Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadiskubre ang fountain of youth: Korina ayaw pakabog sa kaseksihan nina Maja, Nadine

0 1,372

Binulaga ni Korina Sanchez-Roxas ang social media dahil sa mapangahas niyang mga sexy photo na sa totoo lang, ay umani ng papuri. Kasi naman, sa edad na 50, mistulang 30s lang daw ang kariktan, alindog ni Mrs. Roxas.

“Just to report to you: from 118 days since Day One of lockdown on March 17. 121 lbs pre-COVID, down to 110 lbs in 2 months. And I’ve been able to maintain (that’s the real challenge). 20-50g carbs daily only. Swimming. 5 lb weights. Kaya mo rin yan! #BestLife,” sey ni Korina.

Wow, pang-beauty queen nga ang timbang, kaseksihan ni Korina ngayon, ha! Kaya naman ang mga kapwa niya artista, panay ang sigaw na fitspiration nila si Korina, at ang mga fan, talagang pina-frame nila ang mga photo nito para gawing inspirasyon sa plano nilang pagpapaseksi.

Na oo nga, hindi hadlang ang edad para makuha mo ang inaasam ng kaseksihan.

At sabi nga, aba, ayaw pakabog ni Korina kina Maja Salvador, Nadine Lustre, na parehong endorser ng swimsuit. Keri nga raw ni Korina na maging endorser din ng mga ganung brand.

Anyway, ipinagdiriwang ng Beautéderm Corporation ang ika-11 anibersaryo sa isang kolaborasyon kasama nga si Korina, sa pamamagitan ng isang sensational at bagong produkto – ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Matapos ang halos dalawang taon ng pagsasaliksik at aktwal na testing kay Korina, natapos na sa wakas ang matagal na paghihintay. Ini-reveal na nga na ni Korina ang isa sa kanyang mga best kept secrets na kanyang pinaniniwalaan na pinakamalapit sa Fountain Of Youth.

“Madami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day,” sabi ni Korina.

Ang collagen ay siang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan internally at externally. Collagen preserves and promotes youth of the organs at kasama na dito ang kutis and ang buhok.

Distributed ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink ng RD Healthy Living Corporation na sister company ng Beautéderm. Ang FDA-Notified na produktong ito ay mayroong all-natural ingredients gaya ng sodium hyaluronate, chamomile, at pomegranate at Sakura flower extracts na dinagdag sa collagen – na lahat ay meticulously formulated upang bigyan ang atong katawan ng daily boost of energy, vitality, at youth.

“I am extremely proud to be part of this collaboration between Beautéderm and myself. Sa buong staff ng Beautéderm, sa mga amazing resellers at distributors, sa aming loyal users, at sa aking mahal na kaibigan na si Rei Tan – congratulations! Honored na maging bahagi ng Beautéderm family,” saad pa ni Korina.

Labis naman ang kaligayahan ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

“I welcome Ms. K with open arms and a happy heart. Idol ko siya. Mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at sa kanyang tiwala. This is so exciting. The drink currently has a strawberry milkshake flavor and we will launch other flavors in the months to come. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang na-rerepresent sa produkto naming ito” sey ni Rhea.

Para sa detalye, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.