Una sa Balita

Nadine tatalbugan ni Yassi

Walang kaibi-kaibigan!

0 830

Gusto raw ni Yassi Pressman na maging abala sa ­music sa taong ito sa kabila ng hindi pa rin natatapos ­niyang stint sa “Ang Probinsyano.” Matagal din daw siyang naghanap ng kanyang sariling tunog kaya pansa­mantala muna niya itong isinantabi noon.

Pero, sa taong ito, desidido na siya kaya nga may ire-release daw siyang dalawang cut na siya mismo ang may gawa at ‘yung isa ay in collaboration kay Quest.

Gusto nga ba niyang talbugan ang kanyang kaibigang si Nadine Lustre na nag-release din ng kanyang music video kasama ang dyowang si James Reid?

Hindi nga raw niya alam kung ano ang peg niya ka­tulad ng kay Nadine na medyo may pagka-adult.

Kilala bilang magaling na dancer si Yassi, pero nu’ng nagsisimula pa ito sa showbiz ay isa ang pagkanta sa naging daan upang makilala siya ngayon.

Bukod pa rito, isang libro din ang nakatakda niyang i-release bilang bahagi rin ng mga bagay-­bagay na gusto niyang matupad ngayon at napaba­yaan niya sa sobrang abala sa taping.

Congrats!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy