Una sa Balita

Nadine selfie pinagpiyestahan ng mga boylet

0 905

Nang humupa sa pagbuga ng ashfall ang Taal Volcano, nagpasabog naman sa social media si Nadine Lustre.

Ang bulkang Taal, isang araw lang nagpaputok, pero si Nadine, dalawang araw nang nananalasa ng kanyang mga mapangahas na larawan sa Instagram.

Nakakagulat pero kahanga-hanga ang angas ng kaseksihan ni Nadine base sa dalawang larawang pinost niya sa kanyang IG wall.

Ang una, nakatalikod siya habang pababa ng hagdan patungong dagat, kung saan nakabalandra ang puwet niya sa white string bikini photo.

Ang ikalawa naman ay selfie shot habang naka-bandana ang aktres, at nakabukas ang zipper ng suot nitong pantalon.

Lumuwa nang husto ang init ng kaseksihan ni Nadine sa milk-choco color ng skimpy string two piece bikini na suot niya.

Literal na kapirasong tela na lang ang tumatakip sa kaselanan ng singer-actress at sa kanyang boobs.

Nakabalandra rin ang maputi niyang kilikili mula sa pagpi-flex ng kanyang muscle sa nakataas nitong braso.

Walang lalaki ang hindi makakaramdam ng init na parang singaw sa umuusok na bunganga ng Taal Volcano.

Kahit paano sa pagpapasabog ni Nadine, nakalimutan ng mga barako ang trahedya na dulot ng Taal volcano eruption.

Sa nakabalandrang bangis ng alindog ni Nadine, maiintindihan na ng lahat na hindi ang ganitong kaseksihan ang iiwanan ni James Reid.

Kuha ang dalawang larawan sa bakasyon nila ni James sa Brazil.

Elmo may pinopormahang non-showbiz

Umamin sa aming interview si Elmo Magalona tungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig.

Na-korner namin ang Kapamilya actor sa presscon at special screening ng bagong seryeng lalabas sa ABS-CBN 2 na “A Soldier’s Heart” na siyang pinagbibidahan ni Gerald Anderson, at gumaganap rin si Elmo bilang isang sundalo.

Napangiti at parang alinlangan pa si Elmo na magbigay ng update sa kanyang personal life, pero dahil matagal na naming kakilala at halos nakalakihan na rin kami nito, sinabi nitong meron siyang pinopormahang babae.

“Dating-in” ang deskripsyon ni Elmo sa panunuyo nito sa isang babae na non-showbiz.

Pero tila hindi pa handa ang aktor na ibahagi ang iba pang detalye ng kanyang love life kaya ngumiti na lang ito sa mga pang-uusisa namin.

Samantala, nilinaw ni Elmo na hindi niya iiwan ang kanyang boy-next door image sa character na ginagampanan niya ngayon sa “ASH”.

Aniya, kung anuman ang ibigay sa kanyang project na makakatulong na lalo pang ma-enhance ang kanyang acting ability, tatanggapin niya, gaya nitong nabanggit na serye.

Toni tanggap si Mikee para kay Alex

Winelcome na ni Toni Gonzaga sa kanilang pamilya, si Mikee Morada, ang fiancé nang nakababata niyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Sa pinost na larawan nilang dalawa ni Alex at napapagitnaan pa nila ang anak niyang si Seve, binati muna ni Toni ng happy birthday ang kapatid at saka nag-mensahe para kay Mikee.

@celestinegonzaga, “Happy Birthday Tata!! Thank you for being the best sister, fiend and 2nd Mommy to Seve. I love you! Congratulations! It’s finally out! We are happy for you! Welcome to the family @mikee_mo.”

Tanggap na naman nang pamilya ni Toni si Mikee mula nang maging dyowa ito ni Alex, pero ngayon ay opisyal na itong kasama sa pamilya kahit engaged pa lang ang kapatid sa kasintahan nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More