Una sa Balita

Nadine sa dagat gustong pakasal kay James

0 810

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy

Parang bukal ng tubig na naglahad si Nadine Lustre ng detalye sa relasyon nila ni James Reid sa ginanap na presscon para sa pelikula nila nina Carlo Aquino at Marco Gumabao, ang “Ulan,” na dinirek ni Irene Villamor.

Ayon kay Nadine, tatlong taon na ang relasyon nila ni James na “smoothly flowing” daw. Sa tagal daw ng kanilang pag-iibigan, walang natatandaan si Nadine na nagtampuhan o nag-away sila.

Ang sikreto raw ng magandang samahan nila ni James ay ang tiwala at suporta sa isa’t isa.

Naramdaman ni Nadine ang sincerity ng pag-ibig sa kanya ni James nu’ng mamatay raw ang kanyang kapatid. Hindi siya iniwan ng aktor at lagi raw nasa tabi niya habang nagdadalamhati siya.

Kahit parehong hot at pinagpapantasyahan ng marami, hindi raw nila naging problema ang selosan dahil wala raw talagang pagkakataong nakakita sila ng rason para magselos. Ramdam daw ni Nadine na secured siya sa pagmamahal ni James, at ganun din si James sa kanya.

Napansin namin ang malaking pagbabago sa personality ni Nadine na malayo sa dati niyang character na asiwa sa media at matipid na mag-share ng kaganapan sa kanila ni James. Ang confidence sa kanyang sarili ang isa sa mga naituro at naibigay sa kanya ng boyfriend.

Kung napapansin ng marami ang pagpapa-sexy ni Nadine o mga bathing suit photo niya sa social media, isa ito sa nabago sa kanya, ang maniwala sa kanyang kakayahan at kagandahan.

Hindi raw nababalot ng “expensive gifts” ang relasyon nila ni James. Meaning hindi sila mga materyalistiko.

Mas gusto raw nilang mag-travel, kumain sa labas kaysa magbigayan ng mga mamahaling regalo.
Napangiti si Nadine nu’ng matanong tungkol sa kasal.

“Malayo pa po ‘yun,” ang sagot niya.

May mga goal pa raw sila ni James sa kani-kanilang mga career. Pero kung sakaling darating ang pagkakataong ito, gusto raw ni Nadine na isang beach o garden wedding dahil mahilig sila pareho ni James sa outdoor.

Samantala, balik-wholesome role si Nadine sa “Ulan” na ayon kay Direk Irene, isa itong “magical realism” at hindi suspense horror o thriller. Makapapanood na ang mga bata ng pelikulang pang-Pinoy na may magic theme.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy