Una sa Balita

Nadine pipilahan ng mga Kapamilya aktor

0 721

Oh ‘di ba Dondon Sermino, tama ang assessment ko na hiwalay na nga talaga sina James Reid at Nadine Lustre kahit na nga magkasama pa sila nitong mga nakaraang mga araw.

Naisulat namin ang obserbasyon namin na noon pa lang September ay may problema na sa kanilang relasyon ang magka-live in dahil wala nang pinu-post na kahit na anong photos si Nadine kasama si James.

At kahit sa Halloween ay hindi na rin nag-post si Nadine ng photo nila ni Nadine, hindi tulad nu’ng 2018 na ang saya-saya pa nila.

Sabi, obligadong maging friends sina Nadine at James para sa kanilang mga career, lalo at may kontrata si Nadine sa record label ni James.

Pero, ngayon pa lang, marami na raw ang mga Kapamilya star na gustong pumila para makapareha si Nadine. Sino kaya sa mga male star ngayon ang puwedeng ipareha kay Nadine?

Puwede kaya sina Joshua Garcia na boy next-door ang dating, o si Marco Gumabao na hunk? (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More