Una sa Balita

Nadine pinalakpakan sa pagtulak kay malanding girl

By
0 9,304

Masyado bang protective si Nadine Lustre kapag may mga babaeng fan na gustong makipag-selfie sa kanyang boyfriend na si James Reid? Ito ang nasaksihan ng ilang tao nang mag-clubbing kamakailan ang JaDine loveteam.

Nagulat na lang daw ang mga nakapaligid sa dalawa nang biglang itulak ni Nadine ang braso ng isang female fan na nakikipag-selfie kay James.

Sa observation ng mga nasa paligid, mukhang iritada na raw si Nadine sa pagpapa-selfie ng fan na iyon. Paulit-ulit na lang daw itong nagpapa-selfie kay James.

Isang netizen na nagngangalang Karen Gonzaga ang nag-upload ng pagtulak ni Nadine sa braso ng fan sa kanyang Instagram Story.

Mixed reactions ang natanggap ng naturang video na ito. Pero mas marami ang sumang-ayon sa ginawa ni Nadine sa fan dahil hindi na raw nag-enjoy ang dalawa sa date nilang iyon.

Ayon sa isang saksi, naawa raw siya sa JaDine loveteam kasi hindi raw na-enjoy ng dalawa ang clubbing nila dahil sa mga fan na gustong magkapa-selfie sa kanila.

“I was there po and that night ‘di na talaga sila makapag-enjoy kasi super daming gusto magpa-picture. Nagtago na nga lang sila sa sulok pero talagang maraming makulit. Madami silang pinagbigyan magpa-picture. ‘Yung Iba naman kasi paulit-ulit tapos talagang makulit na kay James.”

Sey naman ng isang nandoon, pinakiusapan na raw ‘yung fan na huwag nang kulitin si James, pero hindi pa rin daw nagpapigil ito. Kaya naiintindihan nila ang naging reaction ni Nadine.

“I’m not a big fan pero nakakainis pala ‘pag alam mo ‘yung nangyari tapos ‘yung iba super-bash tapos may sarili ng nagawa na story haha nakakaloka. Pinapakiusapan sila in a nice way na tama na, not James and Nadine but nung mga kasama pero ayaw makinig. Nagtago na nga si James sa dulo eh pero marami parin makulit. Pano naman sila mag e-enjoy. Umalis nalang sila ng maaga.”

Isang netizen naman ang nagsabi na sana ay pinagbigyan na lang ng fans na mag-enjoy muna ang JaDine sa clubbing nila.

“Ilang beses na kong nakapunta ng event na kasama ang JaDine, pero never silang naganyan ng fans. Kasi nung umpisa palang aware na kame na gusto nila mag-enjoy sa party, pano sila makakapag-enjoy kung panay naman ang papicture diba? Give them their freedom naman minsan. Di naman sa maldita si Nads, as a girlfriend natural lang yung reaction niya.

“Di naman sa napahiya yung girl, sabe nga nung isang nag-comment, pinagbigyan na nga sila kaso di naman na nagsitigil. Pumunta sila dyan para mag-enjoy hindi para makipag-selfie. Minsan kase as a fans intindihin naten yung mga idols naten hindi yung puro ikaw lang.

“Normal lang daw ang ginawa ni Nadine bilang girlfriend ni James. ­Nothing wrong. She’s too cool to handle the situation naman.

“Imagine kasama mo boyfriend mo para mag-enjoy kayo tas ang daming babaeng nilalayo sya sayo and u just standing there as if u don’t exist. Haha no! She ain’t mean that way.

“As you can see sa video, it took 3 seconds (if I’m not mistaken) bago hinawi ni Nadine yung hands ng girl. Hello, haha yung girlfriend nasa gilid mo lang girl. People should also learn how to limit themselves. One picture is enough oyy! Kami nga na fans, we only get to have one pic with them if a chance is given tapos yung iba na feeling faney, mas madami pa pic? Tapos may pa side comment pa na, “ang attitude ng JaDine”, “pangit ugali ni Nadine at James” “Laos na yung JaDine dahil ma attitude”. HELLO? Naririnig niyo ba sarili niyo? Mema kayo lagi eh. Kaasar hahaha.”

Respeto lang daw ang dapat gawin ng mga fan kapag nakikita nila ang idols nila. May time daw kasi na gusto nilang mag-enjoy tulad ng mga normal na tao.

“There are always two sides to every story. Do not judge her kung wala naman sainyo ang nandun at nakakita mismo sa nangyari.

“Celebrities have PERSONAL lives too. Hindi naman all the time, pwede magpa-picture, pwede lumapit, pwede umepal. Lalo na kung time naman nila para sa sarili nila. TAO LANG DIN SILA JUST LIKE EVERYBODY ELSE. Respeto naman.”

Madali lang naman ang solusyon kung gustong mag-enjoy ng dalawang sikat na artista sa kanilang date. Huwag silang pumunta sa isang lugar na alam nilang maraming tao.

Or kung gusto nila mag-clubbing, doon sila sa isang exclusive club na ang crowd ay walang paki kung celebrity ka. Para lang makaiwas sa gulo at pintas, maging maingat na lang sa kanilang kinikilos dahil gustuhin man nilang maging normal na taong nag-e-enjoy, mga artista pa rin sila.