Una sa Balita

Nadine patuloy na nilalabanan ang depresyon

By
0 2,520

Naging personal ang grand presscon ng Revolution noong Biyernes ng gabi dahil sa mga rebelasyon ni Nadine Lustre tungkol sa sarili at sa depression na pinagdaa­nan na epek­to ng pagpapakamatay ng 16-year-old brother niya noong October 2017.

“How are you now?” ang simpleng tanong kay Nadine, pero mahaba ang sagot nito dahil inilabas niya ang lahat ng mga saloobin.

“Now I feel really great kasi even though bad things really happened to us and minsan talaga, hindi natin ine-expect ‘yung mangyayari. If it’s meant to happen, it’s gonna ­happen.

“But then, I’m ­happy tho’ I‘ve learned, eve­ry­one, actually, has learned so much from what has happened and we all grew into like ­better ­people.

“Me and my family, me and my parents, we promised to each ­other (that) we’d become stronger and a lot of o­ther people din, also fans, friends were touched because of the incident. I’m just really happy because everyone learned a lesson from that.

“Actually, ‘yung nag-push po talaga sa akin to get out of it (depression) was all the people who look up to me because when that happened, people were ­messaging me through Instagram, may mga e-mails and such.

“They were all gi­ving me ‘yung mga situation, stories nila, their experiences and everything and I feel really blessed because all these people look up to me and they’re saying ‘You know, you made us happy. I forget all my stress because of you guys.’

“Kami talaga ‘yung pangtanggal ng stress nila and depression nila. I mean, para sa akin, nakakataba po siya ng puso to know all these people na parehas kami ng situ­ation, napapasaya ko.

“I think ‘yun ang reason kung bakit ko pinilit ang sarili to pull myself up and stay strong and be there for everyone,” ang pahayag ni Nadine.

Sarah at Nadine pasabog ang duet

Sina Vice Ganda at Sarah Geronimo ang dalawa sa mga special guest nina Nadine at James sa Revo­lution.

Excited na si Nadine sa duet number nila ni Sarah dahil ang favorite song niya mula noong bata pa siya ang kanilang kakantahin.

“Hindi ko muna sasa­bihin (ang title ng kanta) pero bongga siya. ‘Yun po talaga ang type namin ni Ate Sarah kaya I’m really, really excited for that.”

Brilliant idea ni Nadine ang title na Revolution para sa second major concert nila ni James sa Smart Araneta Coliseum.

Si Nadine ang nakapansin sa binaligtad na love word sa Revolution at pumasa agad kay Paul Basinillo ang suggestion niya. Si Paul ang direktor ng Revolution at ng mga nakaraan na blockbuster ­concert ni Sarah.

Willie sa PH Arena makapanindig-balahibo

Mapapanood ­bukas, Lunes, January 8, sa special episode ng Wowowin ang New Year’s Eve show ni ­Willie Revillame sa Philippine Arena.

Maligayang-maligaya si Willie dahil napasaya niya ang lahat ng mga tao na nagpunta sa Philippine Arena para dito salubungin ang pagpasok ng 2018.

Bago nagsimula ang Wowowin sa Philippine Arena, nagkaroon ng motorcade si ­Willie kaya nakita at ramdam na ramdam niya ang excitement ng mga kababayan natin.

Makapanindig-balahibo ang teaser ng GMA 7 sa Wowowin sa Phi­lippine Arena dahil sa grand entrance ni ­Willie at sa fans na naging emosyonal nang ma­kita siya.

Bukod sa mga premyo at jacket na ipi­namigay ni ­Willie, ang 35-minute long fireworks display ang highlight ng Wowowin sa Philippine Arena pero hindi ito mapapanood nang buo dahil sa kakula­ngan ng oras.