Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadine pantasya ni JC Alcantara

0 295

Dami na ngang nag-aabang sa Hello Stranger nina JC Alcantara at Tony Labrusca. Nakakakilig kasi ang trailer, na parang makakalimutan mo na ang mga bida ay parehong tunay na lalake.

Sabi nga, ang weird ng dating, na ang Valentine’s offering ng Kapamilya (Blacksheep) ay boys love serye, at hindi the usual na KathNiel, JaDine, o LizQuen, ha!

Eh, ang husay ring magpakilig ng dalawa, lalo na si JC, na patola talaga sa kagustuhan ng mga faney, ha! Like ipinangalandakan talaga niya na hindi niya tinatanggal sa kanyang daliri ang ‘singsing’ na bigay ni Tony.

Na nakakakilig nga, kahit na sabihin pang hindi naman `yon engagement ring, at friendship ring lang talaga.

Anyway, sa tanong kay JC kung sino pa, bukod kay Tony, ang pantasya niyang makasama sa harap ng kamera, makaeksena sa drama, o kahit siguro sa maiinit na lampungan, ang sagot niya ay si Nadine Lustre.

Iba pa rin talaga ang sex appeal ni Nadine sa mga kabataang aktor. Meron siyang taglay na misteryo na gustong bulatlatin ng mga kalalakihan.

At malay natin, ngayong marami na talaga ang tumututok kay JC, dahil nga sa cute na tandem nila ni Tony, baka maisipan ng mga prodyuser na i-partner rin siya kay Nadine. Walang imposible sa ngayon, lalo na at wala namang masyadong ginagawa si Nadine pagdating sa aktingan. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.