Una sa Balita

NADINE, NAPIKON, NAGALIT SA TSIKANG MAY ‘SOMETHING’ KINA JAMES AT BEST FRIEND NIYANG SI MIKA!

By
0 187

Sunud-sunod ang tweets ni Nadine Lustre kamakailan. Ramdam na ramdam ang galit sa kanyang mga tweets.

At yes, may kinalaman nga `yon sa pagli-link sa kanyang best friend na si Mika, at sa boyfriend niyang si James Reid.

Pikon na pikon si Nadine sa mga haters (hindi fans ang tawag niya) na nagpapakalat ng tsismis na ito, na nagsimula lang naman dahil sa photo na yakap ni James si Mika.

“I’m sorry, but SERIOUSLY. WTF are you all going on about? Talking shxt about my bestfriend?

“Your minds belong to the gutter!”

“Judge me all you want, but talk shxt about my friends, I’ll shut you all down!”

“So what? I hug all my friends too.”

“They’re not even fans. They’re just there to hate and make issues. Disheartening the real fans.

“Now if ya’ll excuse me… I’m late for my date with PS4. #JaDinesjustlove.”

May nagtanong kay Nadine na…

“With Mika in the house of James 24/7 everyday sila ni James!” —  Ghie.

“Ghie, She doesn’t go when I’m not there!” sagot ni Nadine.

May iba pang sinagot si Nadine na tanong sa tweet sa kanya. Na ramdam mong palaban talaga.

“Sinong bestfriend? Si Mika ba? Charot!” — Curly Wurly.

“Yeah, got a problem with that?” sagot ni Nadine.

Siyempre, may mga na-turn off sa klase ng pagsagot ni Nadine. Na feeling nila, nagtatanong lang naman ang fan, pero pabalang daw ang sagot ni Nadine.

Nasaan na raw `yung Nadine na sweet na sweet noon sa harap ng mga fans? Bakit biglang-bigla, parang ang taray-taray na raw nito?

Pero siyempre pa rin, todo-tanggol ang mga fans ni Nadine. Na wala raw masama sa klase ng pagsagot ng idolo nila, na ramdam naman daw kasi na napaka-sarcastic ng pagtatanong ng taong `yon, kaya dapat lang na ganun ang klase ng pagsagot ni Nadine.

May ilang fans na nagsabing ayaw na nilang suportahan si Nadine. May iba naman, na gusto nila ang pagiging matapang at palaban ni Nadine ngayon.

Well, pagdating kay James, at sa mga kaibigan, lalo na sa pamilya, nag-iiba talaga ang pagkatao ni Nadine. Lumalabas ang tapang niya, na itinago niya nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz, na ang paggabay na ginagawa sa kanya ng mga taong nagma-manage sa career niya, na dapat ay pa-sweet lang siya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More