Una sa Balita

Nadine nagpatunaw ng taba sa tiyan

0 615

Kung iisipin mo, ang perfect na ng katawan ni Nadine Lustre, ha! Na feeling mo, lagi kasi siyang nasa gym, kaya malabo siyang ma­mroblema sa katawan niya.

Eh, ‘di ba nga, sa mga Instagram post niya, palaging nakabalandra ang kaseksihan niya, at yes, wala ka ngang maipipintas sa kanya.

Pero, hindi pala ganoon ang feeling ni Nadine sa sarili niya. Kaya nga kahapon, hayun si Nadine ang nagpatunaw ng taba sa kanyang tiyan.

Yes, mga bagong machine ang sinubukan ni Nadine. Na ikinabit sa paligid ng kanyang katawan, tiyan, hanggang gilid, o sa bandang love handle.

Sabi ni Nadine, mapapasabak daw kasi siya sa mga matitinding eksena sa taping nila ni Julia Montes, at medyo mawawalan ng oras sa pagpunta-punta sa gym, kaya naman kinailangan talaga niyang magpatunaw na ng taba ngayon pa lang.

Well, mahirap na rin kasi kung magkahiwalay na ang schedule niyo ng dati mong dyowa, na kung noon, palagi kayong magkasama sa work, at nagagawa niyong mag-exercise na magkasama. So ngayong may kanya-kanya silang project ni James, kaya hayun, nawawalan ng oras si Nadine na mag-gym, kaya ang pagpapatunaw ng taba sa pamamagitan ng makina na lang ang sinusubukan niyang gawin. Well, walang masama kung alagaan mo ang katawan mo, no! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More