Una sa Balita

Nadine nagpasabog ng kaseksihan sa Palawan

0 1,209

abante-paistaran-dondon-serminoMa-deads kayo sa inggit! Ganiyan lang ang mensahe ng mga fan ni Nadine Lustre sa kanilang idolo.

Well, ang bongga lang kasi ni Nadine, na kapag nasa bakasyon sila ni James Reid, at bigla siyang nag-post ng photo niya, o photo nila ni James, siguradong panggulat talaga. Tulad ngayong nasa Palawan na naman sila ni James at ibang kaibigan.

Parang hindi nasasanay ang mga fan sa ganap ni Nadine, ha! Kumbaga, normal na lang kay Nadine ang mag-post ng sexy, pero parang palagi na lang nasa-shock ang mga fan niya.

‘You’re Sooo HOT @nadine!” ang simpleng caption sa photo ni Nadine na makikita sa @vivaartistagency.

Sabi ng mga fan, ito nga raw ang perfect na body ni Nadine, na medyo may laman, at hindi tulad kamakailan na payat na payat siya at halos labas ang mga buto sa braso, leeg.

fearlessnaddie_jamesqueen “Bumabalik na yung katawan ni ateng….nagkakalaman na siya pero yung waistline parin talaga maintain! Balik alindog na talaga sya…jusko! I-motivate mo pa ko teng…”

itsmejemelee “Yep noticed that too. Not too skinny but super sexy!”

darjelea “Grabe yong hotness overload.”

miloovaltine “Tama na iyan! Bastat tularan nalang natin yung suot!”

bichon_frise15 “So so so sexy and hoooottttie…”

Pero siyempre, nandiyan pa rin nga ‘yung tila namamatay sa inggit kay Nadine, na walang makitang maganda sa dyowa ni James.

daphnebel “Marumi balat…di pantay kulay.. ang siko kapal ng skin.. ang daming stretch marks!”

Na hindi naman pinalampas ng mga nagmamahal kay Nadine:

elimsjoy “@daphnebel naghahanap ka ng perfect? Pumunta ka sa loob ng simbahan! Our Lord is perfect… we are humans and we have plenty of flaws! So wag mo hanapan ng kamalian ang kapwa mo! Makapang lait ka … ang nilalabas ng bibig ang nilalaman ng puso at pagkatao. Mag pray ka nga!”

Well…

 

Angeline, Kyla, Radha, Liezel, Jayda pasabog ang concert ngayong gabi

 

Mas maraming chance ngayon ang kababaihan na magtagumpay hindi lang sa Pilipinas kundi saan mang parte ng mundo.

At sa ika-12 anibersaryo ng Outbox Media Powerhouse Corporation, ipagdiriwang nito ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng isang all-female concert at benefit dinner — “Limitless: Empowered Women, Empower Women.”

Sa pangunguna ng The Queen of Events, Outbox Media Powerhouse Corporation Managing Director na si Rossel Velasco-Ta­berna, layunin ng concert na itampok ang galing ng nasabing kompanya sa paghawak ng ganitong event, sa pagpapalaganap ng pagmamahal at tuwa; at pagdiriwang ng epekto at halaga ng maaring gawin ng Kababaihan sa Lipunan.

Magaganap ang event ngayon (Biyernes, Setyembre 7, 2018) sa Metrotent Convention Center, Pasig. Itong 12th Anniversary dinner benefit show ay co-production nila ng asawang si Anthony ‘Ka Tunying’ Taber­na, ABS-CBN news personality at may-ari ng Ka Tunying’s.

OBM ang event organizer at KTC ang caterer. Katambal ng power couple partners ngayong taon ang Cornerstone Entertainment Inc. na manager ng sikat na talents ng Pinoy showbiz.

Asahan ang isang electrifying evening, sa live performances ng Queen of Theme Songs Angeline Quinto, Queen of R&B, Kyla, Soulful Diva Radha, Diva Hitmaker Liezel Garcia at ang sumisikat na singer/songwriter na si Jayda Avanzado.

Ang mga naturang artist ay puno ng lakas at tapang sa kani-kaniyang career at buhay.
Ibabahagi ni Angeline Quinto kung paano siya nagsikap bilang breadwinner ng pamil­ya. Bilang isang ina at asawa, nababalanse naman ni Kyla ang career at pamilya.

Patuloy si Radha bilang inspirasyon sa marami–salamat sa kanyang “great musica­lity and talent.” Paangat si Liezel sa kanyang career habang nagsisimula si Jayda sa paggawa ng pangalan sa music scene at, kung kakayanin, baka sila na ang next big stars.

Magdo-donate din sa magkapatid na Corsanes ang Outbox Media ng desktop computer unit para makahanap ng trabaho maski sila’y nasa bahay.

Ang event na ito ay sa pagtataguyod ng: Foton Motors Philippines, San Miguel Corporation, Santa Elena Development & Cons­truction Corporation, Palayan City Business Hub, Petrol Jeans, Hotel Sogo, Waterfront Hotel, Acacia Hotel, Bounty Fresh Chooks To Go, Eurotel, Oishi, New San Jose Buil­ders, P.A. Properties, Megasoft, Chinese Gene­ral Hospital, Rite N Lite, Ferna, Jc Premier, King Cup Sardines, Courbe, Phoenix, Grab, Uratex at Our Media Partner Crossover FM 105.1.