Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadine nagliyab ang kagandahan, kaseksihan

0 157

Itong si Nadine Lustre, pag gustong umeksena, magpa-trending sa Twitter, kering-keri niya. Aba, walang masyadong effort, hayun at nanguna na naman siya sa trending, at dahil lang `yon sa kanyang kagandahan, ha!

Well, nag-host nga si Nadine kasama si Alden Richards ng Century Tuna Superbods event, at kaloka, agaw-atensiyon agad ang look niya, ha!

‘Nadine’s visual is no joke!’

‘Nadine is the bad bitch with a doll face.’

‘She’s not human, she’s a doll.’

‘Oh em geee, Nadine is trending by being gorgoues.’

Well, bagay na bagay at lutang na lutang ang kaseksihan, kagandahan ni Nadine sa Boom Sason red gown na suot niya, na binagayan pa ng simpleng ayos ng buhok, at mapang-akit na make up.

Pero, ang mas kapansin-pansin kasi kay Nadine ay ang confidence niya, na kumportable siya sa itsura, katawan niya, at ang husay niyang umawra, mag-emote sa harap ng kamera.

At yes, nagliyab ang kagandahan, kaseksihan ni Nadine sa itsura, suot niya, ha!

***

‘Digital Bayanihan’ inilunsad

Sa patuloy na pagharap ng mga Pilipino sa pandemya, kailangan nila ng impormasyon para makapag-desisyon sa mga mahahalagang bagay sa kanilang buhay sa araw-araw.

Makakatulong nila rito ang bagong public service app na Sharea, na sasalansan sa mga datos at ilalapit din sila sa kanilang komunidad.

Mula sa pinagsamang salitang share at area ang Sharea app na nakapaghahatid ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga anunsyo ng gobyerno, bakanteng trabaho, at mga aktibidad na na partikular sa pipiliing lugar o lokasyon ng gagamit nito.

Ibig sabihin, ang makikitang impormasyon ng gagamit nito ay para mismo sa kanyang kinabibilangang barangay o lungsod. Malaking tulong ito lalo na ngayong community quarantine para manatiling updated sa ganap sa komunidad maski hindi lumalabas ng bahay.

“Digital bayanihan” ang konsepto sa likod ng Sharea kung saan makatutulong ang bawat Pilipino sa isa’t isa na makadiskarte at magdesisyon sa araw-araw sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, lalo na ngayong may pandemya. Dito makikita ang mga impormasyon na mahalaga sa bawat pamayanan na maaaring hindi na umabot sa balita tulad ng mga raket, water o power interruptions, listahan ng bayad centers, listahan ng clinics na nagbibigay ng bakuna, at marami pang iba sa mismong mga barangay o lungsod.

Sa ngayon, karamihan sa mga impormasyon sa Bulletin Board ng Sharea ay para sa Marikina, Quezon City, at iba pang lungsod sa Metro Manila, ngunit nagsimula na ring bumuo ng komunidad ang maraming user sa kani-kanilang lugar. Sa pagrami ng mga gumagamit nito, umaasa ang Sharea na patatagin pa ang kultura ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga Pilipino sa buong bansa.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.