Una sa Balita

Nadine nadekwatan sa Brazil

0 493

Matapos bumungad sa mga JaDine fan, at pati na kina James Reid at Nadine Lustre mismo ang samu’t saring alegasyon tungkol sa kanilang relasyon, isa na namang malungkot na pangyayari ang naranasan ng aktres.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nanakawan si Nadine habang sila ay nasa Brazil para sa isang magazine shoot. Mabuti na lang at hindi totally nabura ang lahat ng mga file o picture and contacts ng aktres dahil mayroon naman siyang iCloud.

“New fone who dis? Legit tho, cuz my phone got stolen yesterday. Heh,” ang caption ni Nadine sa isang litrato na in-upload niya sa IG story.

Makikita sa itsura ng aktres sa picture na bad trip siya sa nangyari pero no-choice kundi tanggapin at palitan ng bago ang nawalang phone. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More