Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadine minura sa ‘White Rabbit’ performance

0 256

Hindi lang naman ang pagbibikini habang rumarampa sa bundok ang rason kung bakit nag-trending si Nadine Lustre kamakailan.

Katunayan, pinag-usapan din ang comeback performance niya sa “ASAP Natin ‘To”.

Ang bongga nga kasi ng kanyang fierce performance kung saan sumayaw at kinanta niya ang awiting “White Rabbit” mula sa kanyang bagong “Wildest Dreams” album kaya naman mahigit 50,000 tweets ang nakuha ng hashtag na #NadineLustreOnASAP sa Twitter.

Ayon kay Nadine, pinaghandaan talaga niya ang performance na `yon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nag-gym ako. Medyo matagal na rin kasi akong hindi naging active so nag-build ako ng stamina. I also had vocal lessons and dance training,” sey ni Nadine.

Ang sey nga ng mga fans, para silang nanood ng sikat na internal music festivals na Coachella sa US at Mnet Asian Music Awards sa Korea, dahil nga ang bongga ng set-up at dating nito.

“Was it ASAP stage? Parang Coachella vibe yung performance ni Nadine! So refreshing to see her. Hopefully she’ll do more prod this year. #ASAPTOGETHER #NadineLustreOnASAP,” sabi ni @ivan_d_queen.

“Man, I don’t know if I am watching an ASAP Performance stage or a MAMA Performance. Damn it #NadineLustreOnASAP,” sey naman ni @RoyalsMiggy.

Kaloka lang si Nadine, matagal ngang nawala sa “ASAP” pero pang-Coachella na agad ang performance level, huh? Kaya nga halos lahat ng mga nakapanood minura talaga siya dahil sobrang husay niya, ha! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.