Una sa Balita

Nadine may panapat sa K-pop ni James

0 480

Kung si James Reid ay may Nancy McDonie na ka-partner sa Soulmate project, hindi naman nagpakabog ang ex-girlfriend niyang si Nadine Lustre dahil isang Thai hunk ang partner nito sa gaga­wing teleserye na Burado.

Tiyak na maglalaway ang mga beki at baka isumpa-sumpa si Nadine dahil sobrang yummy ng leading man nito sa Burado na si Denkhun Ngamnet.

Isa sa handsomest at sexiest celebrities ng Thailand si Ngamnet.

Makikita nga sa kanyang Instagram account na isa siyang model, actor at singer.

Buong pangalan niya ay Kuan Denkhun Ngamnet at pinanganak siya noong April 20, 1994 sa Ubon Ratchathani, Thailand.

Taong 2014 nang pasukin niya ang showbiz sa pamamagitan ng drama series na Plerng Chimplee. Sa nasabing serye ay nakita na ang kakisigan ni Ngamnet kaya kinabaliwan siya ng maraming fans ng Thai series.

Lumabas din siya sa iba pang series na Dok Mai Tai Mek (2015) and Chumpae (2019).

Bukod sa gagawin niyang teleserye sa Pilipinas, nakatakda rin niyang gawin ang dalawang historical dramas sa Thailand na Toong Sanaeha and Sunya Ruk Sunya Luang.

Pero sorry sa mga nag-aasam na maangkin ang katawan at puso ni Ngamnet dahil in a relationship ito sa Thai singer-actress na si Grand Punwarot Duaysienklao.

Sa gitna ng kanyang pagiging sikat na celebrity sa Thailand, nagawa ni Ngamnet na makatapos ng kanyang pag-aaral. Naka-graduate siya with a degree in Communication Arts sa Rangsit University. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More