Una sa Balita

Nadine mapang-akit ang paggiling sa harap ni James

By
0 1,904

Hindi katulad ng inaasahan namin na baka this time, hindi na kayang punuin nina James Reid at Nadine Lustre ang Smart Araneta. Pinanggagalingan namin dito ang mga past issues sa dalawa, ang not-so-good outcome ng huling pelikula nila at medyo matagal na rin ang huling teleserye nila.

‘Yung huling concert nila na sobrang successful ay kainitan ng On The Wings of Love.

Pero naman, pagpasok pa lang namin sa loob ng big dome, talagang nagulat at the same time, natuwa kami para sa dalawa. Kung susumahin namin, puwede naming sabihin na punong-puno talaga ang Araneta. Hindi na namin kino-consider ang lugar na halos nasa likod na ng stage – to which, doon na kami nakaupo, huh!

Grabe ang tilian, hiyawan ng fans. Aaminin namin na bukod sa malayo kami sa stage, narindi ang tenga namin sa tili ng fans.

Doon namin nakita na ang JaDine talaga ang isa sa mga love team na may solid na fan base. Kesehodang ano pa ang ibatong isyu sa dalawa, tanggap nila ito at love nila talaga sina James at Nadine.

Kakaiba ang konsepto ng Revolution. Sobrang ibang-iba sa unang concert nila noon sa Araneta. Naalala namin ang nabasa naming comment sa bagong MTV ni Nadine, ‘very American style raw’. Ganun din ang Revolution na tingin namin, yun kasi talaga ang personalidad ng dalawa.

Nagawa nila rito sa concert nila kung ano ang gusto nila at naihatid nila sa audience kung ano ang music nila—to which again, fans knew and enjoyed.

Isa sa highlight ng concert ay nung mag-perform si James ng Dangerous at lumabas si Nadine wearing a boy white shirt at nag-sensual dance. Winner ang dance moves ni Nadine sa concert dahil talagang hindi siya nag-hold back sa pagsasayaw sa halos lahat ng production number niya.

Highlight din nang kantahin ni Nadine ang mga Lady Gaga song at ni-request niya ang audience na tumayo at hawakan ang kamay ng kanilang katabi. Parang in a way, tribute ni Nadine sa namatay na kapatid.

Napag-alaman namin na ang iba sa mga nanood, nanggaling pa sa ibang bansa. Pareho na­ming napanood ang dalawang concerts ng JaDine sa Araneta. At bukod sa pagiging multi-talented ng dalawa, they are being unconventional loveteam kumpara sa iba, asset nina James at Nadine ang mga loyal fans nila.

Aba, yung mga nakikitang lights sa audience, ­inisponsor ng fans ang finger lights bukod sa namigay pa sila ng banners na may nakasulat na ‘We Love to Love You’ na nilabas nung kumanta ang dalawa ng ‘I Love to Love You.’

Hindi kailangang mag-rely nina James at Nadine sa archaic loveteam formula. Binireak nila ang lahat ng rules na obviously, siyang mas nagugustuhan sa kanila ng fans.