Una sa Balita

Nadine mabubuntis ni James?

By
0 6,890

Talbog ang anumang holiday desserts sa ka-sweetan ng magdyowang James Reid at Nadine Lustre sa kanilang season’s getaway. Habang kanya-kanyang rampa ang mga celebrity ngayong halos naka-break ang lahat, lumarga naman ang JaDine sa isang mala-paraisong resort sa Panglao, Bohol.

Naku, habang ang karamihan ay halos ayaw maligo dahil sa lamig ng klima, sina James naman at Nadine ay piniling maglublob sa pool.

Eh, ‘di ano pa nga ba ang mangyayari, siyempre, giginawin sila at ang ending ay ang matinding lambingan sa tubig, huh?

Papayag ba naman si James na ginawin ang kanyang dyowa kaya yayakap siya rito habang nag-i-enjoy sa kanilang ‘langoy-langoyan’.  Chos!

Siyempre, base sa pics na naka-post, kilig-kiligan naman si Nadine habang yakap siya sa likod ng kanyang BF na magkadikit na ang kanilang katawang nakalubog ang kalahati sa tubig.

Anyway, magdyowa naman sila kaya libre silang gawin ang anumang romantic moves na gusto nila as long as walang ‘bubukol’ on both sides. Ha! Ha! Ha!

Ang career, alalahanin, noh! ‘Yun naman ang pangamba ng mga nagmamalasakit sa kanila, na baka mabuntis ni James si Nadine, na ayaw nilang mangyari dahil sayang ang career.

At kasama naman nila ang ilan sa kanilang pamilya at mga kaibigan, so, alam na, devah?