Una sa Balita

Nadine luhaan kay Shefali sa Singapore

0 480

Nabigo si Nadine Lustre na mauwi ang best actress award sa katatapos na Asian Academy Creative Awards na ginanap sa Singapore nitong nakaraang Disyembre 6 para sa pelikulang “Ulan”.

Pero waging-wagi naman si Nadine nang rumampa sa red carpet sa Victoria Theater, venue ng awards night, dahil nagkagulo ang lahat sa makinang na gown niya, simpleng ayos ng buhok at konting makeup, huh!

Subalit naparangalan na ang girlfriend ni James Reid bilang best actress sa regional leg ng awards last October kaya pasok siya sa international award sa kaparehong kategorya.

Nakuha naman ang nasabing award ni Shefali Shah ng India para sa pelikulang “Delhi Crime”, ayon sa online reports.

Ang ilan pang Pinoy na panalo sa regional leg ng Asian Creative Academy Awards ay sina Carlo Aquino, best actor for “Ulan”; Dimples Romana, best supporting actress para sa “Kadenang Ginto”, at Tirso Cruz III, best supporting actor para sa “General’s Daughter”.

Aga sure winner sa best actor ng MMFF

Ngayon lang ulit magpa-Pasko si Aga Muhlach pati ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Ayon sa pahayag ni Aga sa mediacon ng festival movie niyang “Miracle In Cell No. 7”, mahigit isang dekada nang nasa ibang bansa silang nagse-celebrate ng Christmas.

Eh na-achieve ang pangarap niyang magkaroon ng filmfest entry kaya doble ang kasiyahan niya.

“Parang ang sarap ng feeling ng may movie ka sa festival na kasabay sina Vic Sotto at Vice Ganda. Ang saya lang ng feeling na nagbibigay ka ng movie na pinapanood ‘pag Christmas,” rason ni Aga.

Sa totoo lang, kahit wala pa ang Gabi ng Parangal, liyamado na si Aga para sa best actor award, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More