Una sa Balita

Nadine, Julia nganga: Jane de Leon bagong Darna

0 465

Si Mother Lily Monteverde ang unang nagbigay ng break kay Jane de Leon sa pelikula. Isinama niya si Jane sa mga pelikula ng Regal Entertainment na “Walwal” at “The Debutantes” noon. At sabi nga ni Mother Lily, malaki ang potential ni Jane na maging isang sikat na artista.

May misteryong hatid daw kasi ang magandang mukha ni Jane. At sobrang lakas pa ng sex appeal nito sa mga boylet.

Marami kaming kilalang aktor ang nanligaw kay Jane. May ilan na naging dyowa niya, pero marami ang binasted niya.

Anyway, super trending nga si Jane kahapon, dahil oo nga, the wait is over! May napili na nga na bagong Darna, na nakilala rin bilang si Maggie sa teleseryeng “Halik.”

Inanunsiyo na nga ng head ng Star Cinema na si Olivia Lamasan na nakapili na sila.

“We have found a new Darna and she is none other than Jane de Leon!” sabi ni Lamasan.

Ang bongga lang na nasa 300 na artista ang nag-audition para maging Darna mula sa Star M­agic at Star Hunt. Ilan sa kanila ay sina Julia Barretto.

“Pinresent na si Jane sa amin a couple of years ago, and among all the 13 noon na Mr. M (Johnny Manahan) presented from Star Magic, natatandaan ang isang talent na ‘Inang napansin mo na siya noon, itong batang ito puwedeng sumali ng beauty pageants.’ Kahapon ay trending din si Nadine Lustre, pero dahil ‘yon sa pelikula niyang “Indak”. May mga fan din siya na nairita na hindi napili ang idolo nila.

Eh, paano naman siyang pipiliin, hindi naman siya nag-audition? At siyempre, kung ikaw rin naman ang Star Cinema, bakit mo naman pipiliin si Nadine na taga-Viva, ‘di ba?
Siyempre, mas bet mo na ang sarili mong alaga ang pasisikatin mo. (Athena Yap/Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy