Una sa Balita

Nadine, James nagha-honeymoon sa Rio de Janeiro

0 493

Mistulang honeymooners ngayon sina James Reid at Nadine Lustre, ha! Makikita nga sa kanya-kanyang Instagram story ang mga video nila.

Sa IG story ni James ay makikitang si Nadine ang sentro ng araw niya, dahil ang aktres nga lang ang laman ng IG story niya, na ang video ay makikitang naka-two piece bikini (ulit) si Nadine na kulay puti, at masa­yang-masaya na nakatingin sa dagat, mula sa mataas na lugar.

May caption sa IG story nila na nasa Copacabana, Rio de Janeiro sila nu’ng mga oras na ‘yon.

Sa IG story naman ni Nadine ay makikita rin ang parehong view na dagat at nasa mataas na lugar rin siya.

Ang chika nga lang niya kahapon ay kagigising lang niya at pizza nga ang nilalantakan niya, ha! Ang kasunod na photo niya ay selfie niya sa salamin, na iba naman ang kulay ng 2 piece bikini niya, na checkered naman na blue and white.

Well, siguro naman ay sapat na itong isipin na maling-mali ang chika na naghiwalay silang dalawa.

Kasi, kung totoong hiwalay sila, ano ang ginagawa nila sa Rio de Janeiro? Nagpaplastikan lang?

Siyempre, super saya ng mga fan nila, na paulit-ulit na nire-repost ang mga video na pinu-post ng mga idolo nila. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More