Una sa Balita

Nadine, James movie naka-72 block screening agad

By
0 1,691

Nagustuhan namin ang Never Not Love You, ang pelikula nina Nadine Lustre at James Reid na palabas ngayon. Hindi siya pang-masa, pero sigurado kami, pang-fans siya nina James at Nadine. Pang-eye opener ang premise ng kuwento sa mga may karelasyon.

At siguradong marami ang puwedeng maka-relate sa mga character nila bilang sina Gio at Joanne. At sa mismong pinagdaanan nila as couple.

Habang pinapanood namin ito, may narinig kaming nag-comment na ‘Parang true to life’. Nabanggit ito ng kasabay naming nanood nang yayain ni James si Nadine na magsama na lang sila sa isang bahay. So napaisip kami, yung pagli-live-in ba ang tinutukoy na parang true to life? Naniniwala ito kahit never namang inamin nina James at Nadine if they’re living in together? O epekto ng isyung live-in lang sa dalawa?

Parehong magaling sina James at Nadine, pareho rin silang guwapo at maganda sa screen. Puwede kong sabihin na isa sa magandang pelikula ni Direk Antonette Jadaone ang NNLY. Kahit yung ending,­ hindi conventional. Matured ang kuwento dahil sa tema nito.

Sa Bataan namin napanood ang first day ng pelikula, dalawa naman ang sinehan ng NNLY, pero konti lang kami sa sinehan. Sinabi rin ng takilyera na hindi nga raw masyadong malakas for a Black Saturday opening,­ natatalo sila ng Hollywood movie na Pacific Rim. 

Pero sa kabila nito, may nakausap ka­ming solid fan ng JaDine. Sure raw na may three million na kinita ang movie sa opening pa lang dahil may 72 block scree­ning nu’ng first day pa lang, kasama na ang provincial theatres.

Kaya naniniwala silang kikita at base sa word of mouth daw ng mga nakapanood ay mas marami pang manonood nito.

Gabbi gusto nang maging Kapamilya

Dahil sa cryptic tweet ni Gabbi Garcia na ‘how 2 make the right decision’ ang da­ming nag-assume na lilipat daw ito ng network. Totoo nga raw ba ang balitang lilipat na si Gabbi sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Lalo na at pinatay ang character niya sa primetime series nila ni Ruru Madrid na Sherlock Jr.

May source kaming nakausap na walang lipatang magaganap. Unang-una, matagal pa ang kontrata ni Gabbi sa Kapuso network. Pangalawa, wala raw kinalaman sa network transfer ang tweet na yun ni Gabbi tungkol sa decision making.

Pero sure kami, alam ni Gabbi na magiging isyu ang tweet niya lalo na at ‘2’ pa talaga ang ginamit niya. 

Obviously, maru­nong magpa-controversial ang young actress at na-enjoy yata ang sunod-sunod na pag-iingay niya sa social media simula nang patayin ang character niya.

Sayang lang, sana noon pa naisip ni Gabbi yun para sa mga eksena nila ni Ruru sa Sherlock Jr. e, may nag-trending.

Nang makausap namin ang source namin, naintindihan namin kung bakit kinailangan na ngang patayin ang character niya. And in fairness, hindi dahil sa ‘attitude problem’ na unang in-assume rin ng karamihan.

Pero, kung pagbabasehan ang totoong dahilan, puwedeng ikalungkot ng solid GabRu loveteam dahil baka matagalan pa kung magkakasama nga silang muli.