Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadine, James mas tumibay relasyon

0 91

Bihirang mag-open up si Nadine Lustre, pero tingin namin marami siyang nai-share sa naging interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Boy Abunda Talk Channel. Kaya tuwang-tuwa ang mga fan ni Nadine na na-interview ito ng live.

Naglabasan na nga sa iba’t ibang news ang resulta ng kaso ni Nadine sa VIVA at isa sa mga ito ay ang kailangan daw i-honor ni Nadine ang kontrata niya.

Nang tanungin ni Kuya Boy tungkol dito, isang matipid pero tila may kumpiyansa pa rin na sagot ni Nadine, “Well, I trust naman that Attorney Lorna Kapunan can help me out of this,” saad niya.

“And I’m leaving it all up to them.”

Sa kabila nga ng isyu niya sa VIVA, tuloy pa rin ang virtual concert niya sa July 3, ang “Absolute Madness” at grateful daw siya sa lahat ng nangyayari sa kanya at kung ano siya ngayon.

“Being here. Being where I am. The mindset that I have now. Kasi, I’ve learned a lot and I’m grateful. I’m grateful for all the things that happened in my life because if it’s weren’t for that, I wouldn’t be where I am now.”

Obvious din sa mga sagot ni Nadine na maganda ang relasyon niya sa pamilya ni James Reid at kay James mismo.

When asked kung ano ang message niya kay James, sey niya, “Thank you for everything. Like, I’ve really appreciate him.”

Toni ginamit mask sa pang-iisnab

Hindi na raw nakikita ni Toni Gonzaga na makakabalik pa talaga tayo sa old normal. Sabi niya sa naging interview sa kanya ni Baron Geisler sa YouTube channel nito, “I think it’s the new normal that we are embracing right now. So, I don’t think na babalik tayo ever sa pagiging normal.

“Because I think, one of the biggest things na naidulot ng pandemic na ito, mentally sa lahat ng tao is that it brought so much fear. Fear in our health, fear in our wealth, fear on our career or our job.

“I guess, that’s what we are going through.”

At ‘yun din daw ang mga dapat matanggal once na nag-open na muli ang buong mundo. Lalo na pagdating sa pagsusuot ng mask after ng pandemic.

“Ako, hindi ko alam kung magtatanggal pa ko ng mask. Ang sarap palang mag-mask. Minsan may makita ka lang, hindi mo naman feel batiin dahil ang pangit ng outfit mo, okay na, hindi ko na babatiin. Hindi kagaya dati, naku, mapo-force kang batiin.”

Sa introvert daw na kagaya niya, may moment talaga na parang ayaw niyang makipag-usap sa tao. Para rin daw itong security blanket kahit sa mga mahiyain.

Claudia palaban sa mga basher

Sinabi namin kay Claudia Barretto na kumpara noong humarap siya sa press may ilang taon ang nakararaan, mas mukhang kumportable at relax na siya ngayon.

Sa Friday kasi ay ang release ng kanyang debut album at ang kanyang digital single na “Nothing To Do.” Si Claudia mismo ang nagsulat along with the rapper, Curtis Smith.

Natatandaan pa namin dati noon si Claudia, may mga restriction siya. May mga ayaw siyang ipatanong and at that time, mainit pa isyu between Julia Barretto and Joshua Garcia na iwas din siyang matanong o sumagot.

Pero ngayon daw, ready na siya sa bashers sa pagpasok niya ng seryoso sa kanyang singing career under VIVA Records.

Sey ni Claudia, “I think I am ready. Like I said before, I’m very receptive. I think, I know how to block it. I think, I’ve reached the point where I try to focus my energy and my focus on what I can do and continue what I’m doing.

“I wanna be good with what I’m doing.

“If I’ll focus on bashers, I won’t end up doing what I am supposed to be doing.”

Natutunan din daw niya sa kanyang ina na si Marjorie Barretto kung ano lang ang dapat niyang i-entertain at hindi sa mga isyu-isyu o mga komento siguro.

Sabagay, kahit ngayon lang talaga seryosong pinapasok ni Claudia ang showbiz, lumaki siya sa pamilya na kakambal yata ang intriga at bashers, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.