Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadine itsapuwera: Liza, James may pasabog na collab with Korean stars

0 521

Seryoso ang grupo (CarelessPH) nina James Reid na i-invade ang international arena, ha! Hindi nga lang sa Pilipinas sila nagpo-focus kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.

Di ba nga, super rampa, dumalo sa mga event, sina James, kasama si Liza Soberano, sa Amerika. Ang Hollywood nga ang target nila noon.

At ngayon naman, nasa Korea ang grupo nila, at spotted nga sila sa upisina ng Starship Entertainment.

Makikita sa post nina James, at ni Jeffrey Oh, ang CEO ng CarelessPH, ang pagpunta nila sa Starship Entertainment.

Ang Starship Entertainment ay South Korean entertainment company na tinatag noong 2008 and a subsidiary of Kakao Entertainment.

Ang Starship Entertainment ang nagha-handle ng career ng mga prominent K-pop group, and soloist tulad ng WJSN, MONSTA X, and CRAVITY.

Bukod kina James, Liza, Jeffrey, kasama rin sa lakad na `yon sina @kirbylee, @virmizzle.

“Careless in Korea! Coming soon!” sabi ni Mr. Oh, na may in-attach pang watawat ng Pilipinas at Korea.

So, mukhang bonggang collaboration ang magaganap sa CarelessPH at Starship Entertainment, ha!

Naka-tag din sa IG post na `yon sina Soonho Choi, James Roh, Kev Nish, John Jizzillion, Sean Dulake, Transparent Feed.

Well, abangan kung sa pagbabalik ng grupo nina James, Liza, ay biglang magbago ang look nila, kung magiging Korean style na ba ang peg nila?

Di ba nga, sa trade launch ng CarelessPh, ramdam mong ibang-iba na ang dating nina Liza at James, na talagang pang-Hollywood na!

Super glam nga ang dating nila, sa bawat paglabas nila sa social media, o sa mga event na pupuntahan nila.

Anyway, kahit maraming hindi bilib kay James, pero mas marami rin ang nagdarasal na magtagumpay siya. Masyado nga raw agresibo si James na ginagamit talaga ang lahat ng koneksyon na puwedeng gamitin para makamit ang career na inaasam.

Aba, hindi lahat ng manager, record label ay may kontak sa Korea, ha!

Pero, ang pang-iintriga naman ng iba, anyare na kay Nadine Lustre? Bakit palaging si Liza ang kasama ni James?

‘Kambal’ ni Catriona nakaharap na nina Mr. Mrs. Gray

Ang saya-saya ng mga magulang ni Catriona Gray, dahil finally ay nakilala, nakaharap na nila ang ‘kakambal’ ng only daughter nila. Dumayo nga ng Singapore ang parents ni Catriona para maki-photo op sa ‘second’ daughter nila.

“Papa and Mama Gray meeting their second daughter for the first time @mtssingapore!” sabi ni Catriona sa mga photo na naka-smile ang mga magulang niya habang katabi ang wax figure niya sa Madame Tussauds Singapore.

Siyempre, sinamahan ni Cat ang parents niya. At sa IG story ng Madame Tussauds Singapore, mababasa ang mensaheng, “Guess who came to the attractions today to see her twins!”

Kitang-kita nga sa mukha ng mga magulang ni Catriona ang kaligayahan na super proud talaga sa na-achieve ng anak nila. At sino ba naman ang hindi magiging proud sa karangalang dinala ni Catriona sa Pilipinas, di ba? Lahat ng Pinoy ay sobrang proud sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.