Una sa Balita

Nadine iniwan ng mga fan, pasosyal, liberal kasi

By
0 3,641

Marami pa rin ang hindi makapaniwala sa tila bagong image raw ni Nadine Lustre, matapos ngang pagpiyestahan ang mga social media post nito kung saan ibinuyangyang nito ang kanyang puwet.

Although noon pa ito ginagawa ni Nadine, mukhang ngayon lang na-relate ng netizen na ito marahil umano ang rason kung bakit lumaylay ang popularidad nito at nabawasan ng mga follower at kumonti rin ang project nito.

Ilan sa mga nakakaintrigang reaksyon ay ang umano ay sobrang pagiging ‘liberal’ ng aktres simula nang makipag-live in daw ito sa boyfriend na si James Reid.

Tuluyan na raw nawala ang pagiging soft spoken at sweet nito na siyang hinangaan ng marami. Kung dati-rati din daw ay bahagi ng anumang panayam niya ang mga ‘po at opo’ sa ngayon daw ay bihira mo na itong marinig.

At ang nakakaloka pang obserbasyon, sobra na raw itong naging pasosyal sa ngayon at parang hindi na nito feel ang makipag-bonding sa common masses.

May ganun, Nadine?

Richard, Dingdong agawan sa pagiging ‘hari’ kay Vice?

Gaano naman kaya ka-true na meron daw isa kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez na umano ay nag-demand nang 100% involvement sa MMFF project with Vice Ganda?

Hindi lang daw pagiging artista o leading man ang dapat na participation ng isa sa kanila dahil may demand itong ma-involve sa production, marketing, promotion at publicity ng movie?

Hindi man daw isyu sa dalawa ang billing, dahil kapwa nila tanggap na Vice Ganda movie ito, pero sa ibang aspeto raw ng filmmaking wish ng isa na maging ‘hari?’

Feel daw kasing sabayan ng isa sa kanila ang ‘wish’ ni Vice Ganda na paabutin ng 900 million ang gross ng movie, hindi na para matawag na sikat, kundi para mas matawag na box-office sensation.

Ang taray, di ba? Hindi pa halos nagsisimula ang shoot ng MMFF entry pero puno na ng intriga? Hahaha!