Una sa Balita

Nadine buntis na?

0 672

Natatakam sa milk tea:

Gulong-gulo na ang marami sa sitwasyon nina Nadine Lustre at James Reid. Matapos matsismis na hiwalay na, na kesyo lumayas na si Nadine sa bahay nila ni James, hayun nga at panay ang lakwatsa nila, ha!

At kahit marami ang nagsasabing totoo ngang hiwalay na ang dalawa, tila ayaw ring magpatinag ng dalawa sa anumang isyu sa kanila.

‘Di ba nga, binasag ni Nadine ang katahimikan sa pamamagitan ng pagsopla sa isang beteranong manunulat na hindi nga raw totoo ang mga sinulat tungkol sa kanya.

At kamakailan ay nagbahagi naman si James ng picture kung saan magkatabi pa sila ni Nadine na pinagmamasdan ang tanawin sa Mt. Ulap na may medyo cryptic ang caption.

At ‘di ba nga, nag-Brazil din sila para sa isang bonggang pictorial para sa isang sikat na magazine. At ang bongga ng mga photo nilang dalawa na pareho silang masaya, ha! Kaya lalo tuloy kinilig ang mga fan nila.

At heto naman ang panibagong chika sa kanila, na kesyo may “sneaky U.S. nuptial” daw na na naganap sa dalawa. Wala pa namang kumpirmasyon tungkol diyan, pero sa palagay nga ng mga fan ay parang may gusto talagang patunayan ang JaDine sa mga sumusubok tibagin ang kanilang relasyon.

At heto pa ulit, may mga haka-haka na baka raw buntis naman si Nadine, na dahil sa isang photo niya na naka-side view ay parang medyo malaki raw ang tiyan ng aktres? Eh, baka naman nasa anggulo lang ‘yon ng kamera?

At nasundan pa ng hinala ng marami dahil sa IG story ni Nadine na gusto niya ng milk tea. Ang suspetsa agad-agad ng mga taong malilikot ang isip, baka naglilihi sa milk tea ang dyowa ni James Reid, ha!

Naku, hangga’t hindi talaga nai-interview ng media ang JaDine, hindi talaga matatapos ang kung ano-anong tsismis sa kanila. Mas maganda talaga kung sila na mismo ang magsalita, ‘no! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More