Una sa Balita

Nadine buhay na buhay ang dugo kay James Reid

By
0 26

Marami sa mga fans nina James Reid at Nadine Lustre ang natuwa nu’ng bumulaga ulit ang magdyowa sa It’s Showtime noong isang araw.

#LVPhilippines

A post shared by James Reid (@james) on

Aba, matagal na ‘I miss you like crazy’ ang drama ng kanilanga mga faney noong hindi nila makita ang kanilang mga idolo na sumasayaw, kumakanta at nakikipagharutanan sa mga hosts lalo na kay Vice Ganda.

Well, the other day ay tinapos na nga nina JaDine ang dry season sa nasabing show, at nakadagdag na naman sa excitement ng daily lunch show na ito ng Kapamilya Network.

Back on its feet na naman si Nadz na hindi nagpapansin ng kanyang pinagdaanan, at walang traces ng kahit isang hibla ng buhok na siya ay lungkut-lungkutan pa rin kahit hindi niya aminin.

Siyempre, with James around buhay na buhay ang dugo ni Nadz lalo na’t todo suporta nga ito during her lowest moments.

Naku, pa-smile-smile lang si James, pero alam naman nating lahat na ang laki ng nagagawa niya sa buhay ng kanyang dyowa niya, huh!

Kick to the max nga ngayon ang prinsesita ng Viva dahil may obserbasyon nga ang marami na mukhang nakakabuwelo ngayon sa career ang dating second-fiddle niyang si Yassi Pressman.

Baka nga raw kung natagalan ang kanyang ‘pagkawala’, eh, ma-lost in space ang kanyang career lalo na’t wala pa silang follow-up ni James sa huling projects nila together.

Eh, si Yassi? Sa Ang Probinsyano nga lang ang project nito, pero ramdam na ramdam ng showbiz ang aura niya , huh, na talaga namang kumikinang-kinang.

At wala siyang ‘negative energy’ ngayon kaya moving like fast tract ang kanyang TV career.

‘Yun na!

Barbie humaba ang hair kay Ken Chan
Nangisay ang puso kay Jak

Barbie Forteza

Malukis-lukis nga ang beauty ni Barbie Forteza na halos matunaw na sa mga sinabi ni Ken Chan sa grand presscon ng This Time I’ll Be Sweeter ng Regal Films.

Eh, paano ba naman kasi, may I reveal ang Kapuso actor na noon pa pala ay dream girl na niya ang Kapuso young actress , huh! Way back, iniilusyon daw ni Ken na sana ay makasama niya ito sa isang teleserye na nangyari naman sa Meant To Be, at sa pelikula na heto nga’t isang tunay na ganap na sa This Time I’ll Be Sweeter.

Noon pa man daw ay kapag nagwi-wish siya na gumawa ng isang music video, wala siyang nasa isip kundi si Barbie lang ang babae sa tabi niya. Hmmmm!

Gulatski nga si Barbs tungkol dito at ang feeling niya talaga ay mas nadagdagan ang haba ng kanyang hair.

Feeling namin ay hindi kiyeme latik ang mga sinabi ng kanyang leading man dahil ramdam naman daw niya ito. ‘Yun nga lang, parang walang kuryente ito sa kanya dahil si Jak Roberto nga ang ‘nakapagpangisay’ sa kanyang puso, huh!

Yet, aminado naman siya na iba rin daw klaseng kaibigan si Ken, as in! Siya ‘yung tipo na kapag halimbawa dumating ‘yung time na magkatampuhan sila ni Jak o may mga bagay siyang hindi niya masabi dito, ang screen partner niya ang puwedeng maging ‘night in the shining armor’, eklavu.

Ganu’n daw katindi magmahal ng isang kaibigan ito.