Una sa Balita

Nadine, Andi most hated stars

By
0 8,086

Ipinagpalagay na ng karamihang tagahanga ni Nadine Lustre na ang ipinost niya sa kanyang Instagram stories after last night na tipong healed na siya, ay may kinalaman sa nangyari sa kapatid niya last year.

Hindi naman talaga madali ang pinagdaanan ni Nadine at buong pamilya sa naging kamatayan ng kapatid niya.

Pero sadyang may mga tao talaga na hindi kayang rumespeto ng nararamdaman o pinagdadaanan ng isang tao – artista man o hindi. Sa post na ‘yun ni Nadine, may namba-bash pa rin at sinabihan itong, “Ano na naman pinagsasabi mo?”

Abante Hiring – IT dep

Pero siyempre, sa rami ng solid fans nila ni James, hindi na kailangang sumagot ni Nadine, ang mga ito na ang nagre-react para sa kanila.

Napansin naman namin na after ng concert nina James at Nadine, may nagkumpara kay Nadine at kay Andi Eigenmann.

Parang pareho raw kasi ang dalawa na walang pakialam sa sasabihin ng tao.

Walang pakialam ipakita kung sino talaga sila.

Pareho rin daw sina Nadine at Andi na hindi mga ‘pahinhin’ at hindi umayon sa norm ng showbiz pagdating sa mga dapat ay wholesome image.

Comment ng isang netizen, ironic daw na they’re the same but everybody hated­ Andi.

Grabe na ‘yung everybody hated. Siguro, masuwerte lang talaga si Nadine kumpara kay Andi dahil na-establish ang fan base nila ni James na solid at loyal talaga. ()