Una sa Balita

NADINE, #1 SA ‘SEXIEST WOMAN 2017’!

By
0 423

Sa paglabas ng unofficial results ng FHM magazine para sa kanilang FHM Philippines’ Sexiest Woman in the World 2017 noong nakaraang May 24, heto ang mga sexy celebrities na kasalukuyang nasa Top 10 Sexiest sa ngayon.

Nangunguna pa rin sa listahan ay si Nadine Lustre. Dumami ang votes para kay Nadine noong mag-post ito sa kanyang Instagram na naka-bikini habang nagbabakasyon sa isang beach resort.

tbh ily (Kidwaste Remix) – Chet Porter ?

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Nakadagdag pa ang tila lampungan nila ng ka-loveteam niya at boyfriend na si James Reid habang nasa isang Jacuzzi.

Nasa second spot naman ay si Angel Locsin. Magandang comeback ito para kay Angel na nagpahinga ng matagal. Pasok din sa mga netizens ang mga bikini selfies niya kamakailan.

Pangatlo naman ay si Rhian Ramos. Simula noong maging FHM cover girl si Rhian last year, marami na ang nagkaroon ng interes sa kanya lalo na’t marami din siyang mga bikini poses sa kanyang social media accounts.

Pasok naman ang bida ng My Love From The Star na si Jennylyn Mercado sa ika-apat na puwesto.

Malakas ang fan-base ni Jen at hindi nakakapagtaka kung makuha ulit nito ang titulong FHM Sexiest Woman.

Nasa ika-limang puwesto naman ang Kapuso Primetime Queen na si Ma­rian Rivera. Hindi nagsasawa ang mga netizens sa kanyang mga bikini photos kahit na isang mommy na ito.

Number six ay ang It’s Showtime host na si Anne Curtis na para­ting humataw sa top ten ng FHM taun-taon. Pero ang request ng FHM na maging cover girl siya ay hindi niya pinagbibigyan.

Nasa seventh place naman si Angelica Panganiban. Ang inosenteng mukha ni Angelica na nakasuot ng bikini ang malakas na pambenta niya sa social media.

Ika-walong puwesto naman ay ang mommy na si Toni Gonzaga. Balik alindog ang katawan ng actress-TV host at pinakita niya sa Instagram ang kanyang “body after baby” kamakailan na ikinatuwa ng kanyang mga followers.

Eighth spot naman si Bea Alonzo na natuto nang magpakita ng kanyang alindog sa social media.

Marami na nga ang nakakapansin na katakam-takam na si Bea ngayon. At alam na niya kung paano tuksuhin ang kanyang mga male fans.

At sa ika-10th spot ay si Arci Muñoz na walang takot na ipakita ang kanyang mga kuha na naka-bikini sabay emote at tila nang-aakit ng mga kalalakehan para mag-like sa kanyang mga pino-post sa Instagram.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More