Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadidal sa beep card

0 166

Oh guys nakasakay na ba kayo ng bus gamit beep cards?

Kung hindi pa, aba’y baka hindi na ninyo yan maranasan sa mga susunod na araw dahil nagbanta na si DOTr Secretary Arturo Tugade na kakanselahin ang nabanggit na cashless payment system at gagamit ng ibang paraan.

Hindi daw kasi puwedeng singilin pa ng contractor ang mga pasahero sa presyo ng mismong beep cards dahil sa kanila naman papasok ang bayad ng reloading sa mga ito.

Kaya nang maningil ang contractor, nagkaletse-letse na, papalitan na lang daw ng barcode na downloadable sa mga cellphone.

Ang nasa alanganing panig sa situwasyong ito ay ang beep card contractor dahil matinding pagkaagrabyado ang kanilang inabot, una ay ang lakas ng loob na ginawa para makabuo ng mga cards bunga ng umiiral na pandemya at ang pangalawa ay ang magiging kapalaran ng kanilang negosyo dahil siyempre, gumastos na ang mga yan.

At sa aspeto ng paggastos, marami naman sigurong sasang-ayon kapag sinabi kong ang contractor ng isang project ng pamahalaan ay hindi gagalaw kung walang naunang bendisyon buhat sa kanilang mga kausap sa kabilang panig.

Puntahan muna natin ang barcode na sinasabing pamalit sa beep cards dahil lamang sa otsenta pesos.

Ilan bang mananakay ng bus ang may mobile internet sa kanilang mga cellphone? Ilan bang cellphone ng mga mananakay sa bus ang may kakayahang magdownload ng barcode?

Kung hindi pa napag-aaralan ang dalawang bagay na ‘yan, kalimutan na muna ang yabang sa barcode.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Balikan natin ang beep cards.

Naging mainit ang publiko kay Tugade nang malaman ng mga ito na sila ang mga mananakay ang babalikat sa P80 na bayad sa beep card at tama, natural lamang na maging mainit sa kanya dahil siya ang pinakamataas na opisyal ng DOTr na dapat ay nagbabantay sa mga hindi magandang palakad sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Mahirap makakumbinsi ang pilosopiyang hindi alam ng DOTr na ang pasahero ang babalikat sa presyo ng beep cards dahil ang proyektong pinapasok ng gobyerno sa pribadong sektor ay nauungkat muna ang lahat ng aspeto bago ipatupad.

Eh kaso, yun nga pumalag mga mananakay kaya kailangan na may maghugas-kamay.

Nagsalita na rin ang supplier ng beep cards at nagsabing alam ng DOTr ang kanilang gagawin bago pa ipatupad ang proyekto.

Medyo nadagdagan pa ang kamalasan ng contractor dahil sila pa ang nagmumukhang mapagsamantala ngayon.

Puwedeng maikumpara sa mga modernong hotel na gumagamit ng key cards ang beep cards dahil kapag ang guest na magti-check out ay hindi nagbalik ng room key cards nila ay sinisingil sila ng presyo para sa mga ito.

Ang key cards at beep cards ay pareho lang halos ang teknolohiya kaya in short mahirap talaga ilibre ang beep cards.

So sino ang nadidal ngayon?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.