Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nadamay sa kasama: Coco, Julia nganga sa hotel, bawal mag-taping

0 30

Ilang araw pa kayang magkwa-quarantine sina Coco Martin at Julia Montes bago sila makapag-resume ng taping for ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

May nag-COVID-19 positive kasi sa grupo nina Coco at Julia sa hotel na tinutuluyan nila sa Ilocos Sur para sa lock-in taping ng nasabing Kapamilya action series kaya naudlot ang pagre-resume ng taping ng unit nila noong Monday.

Pero may isang unit naman na nakapag-resume na ng taping noong Monday.

Hindi raw kasi magkakasama sa iisang hotel lang ang lahat ng mga artista, staff at crew na kasama sa ‘bubble’ taping ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ kaya hindi damay ‘yung unit na nakahiwalay sa kanila.

Anyway, marami namang advance episodes na nakunan na ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ kaya hindi naman mabibitin ang mga viewer sa panonood ng action series nina Coco at Julia.

Ang maganda, sumusunod sila sa quarantine na iniutos sa kanila, huh!

‘Yun na!

Lovely actress excited nang maging Kapamilya

Hindi ako magtataka kung manguna sina Ogie Alcasid, Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Diego Gutierrez  at iba pa sa pagwe-welcome sa isang ‘kapamilya’ nila na pipirma ng kontrata bukas sa ABS-CBN.

Tiyak na hindi masa-sad ang lovely actress sa desisyon niyang maging Kapamilya dahil malapit siya sa mga nabanggit naming artista.

Anyway, excited na po talaga ang marami sa desisyon ni lovely actress na pumirma ng exclusive network contract sa ABS-CBN.

Ikaw ba, Dondon (my dear editor), excited na rin?

Leave A Reply

Your email address will not be published.