Una sa Balita

Nadal vs Djokovic sa Italian finals

0 200

Muling maghaharap ang matinding magkaribal na sina Rafael Nadal at Novak Djokovic sa finals ng Italian Open.

Umahon si Nadal sa tatlong sunod-sunod na pagkabigo sa semis ng mga clay court competition, na kilalang teritoryo ng Espanyol, nang paluhurin si Stefanos Tsitsipas, 6-3, 6-4, para mai-set ang final match-up kay world no. 1 Djokovic.

“The main thing is I am playing better. If I play better, I know I’m going to have chances to be in finals and to win semifinal matches,” sambit ni Nadal.

“If you are not playing well, (beating)­ the best players of the world is much more difficult… I have margin to keep improving. But I am doing the right steps to be there,” aniya pa.

Ito na ang ika-54 na beses na paghaharap ng dalawa. Sa kanilang match-up, lamang sa panalo si Djokovic, 28-25, samantalang tabla naman sila sa 2-2 nang mag-krus ang landas sa Italian Open finals, ngayon ay mapapatid na ang tie.(RMP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy