Una sa Balita

Nadal nanghalik sa gitna ng laban

0 387

NAANTIG ang lahat sa sweet gesture na ipina­kita ni tennis superstar Rafael Nadal matapos­ nitong aksidenteng tamaan ang ball girl sa mukha sa laban nito sa Australian Open nitong Huwebes.

Sa kanyang Round 2 match kontra Argentine­ Federico Delbonis, natamaan ni World No. 1 Nadal ang ball girl na agad naman niyang pinun­tahan at hinalikan sa pisngi.

“For her it was not a good moment, I was so scared for her, the ball was quick and straight on her,” paliwanag ni Nadal matapos ang laban.

“She’s a super brave girl. It has been one of the more scary moments of my career. I’m very happy she is good. She is brave. Well done.”

Panalo si Nadal 6-3, 7-6 (7/4), 6-1 para makaabante sa Round 3 ng Grand Slam tournament. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More