Una sa Balita

Nadal kontra Djokovic sa Italian Open semis

By
0 1,284

Muling magbabanatan sa semifinals ng Italian Open 2018 sina Rafael Nadal at Novak Djokovic matapos nilang mamayani sa kani-kanilang quarterfinal match, Biyernes sa Roma.

Pinadapa ni seven-time Italian Open champion Nadal ang Italy’s number one na si Fabio Fognini, 4-6, 6-1, 6-2, para masungkit ang semifinal spot, gayundin si Djokovic na hindi pinabawi ang Japanese counterpart na si Kei Nishikori, 2-6, 6-1, 6-3.

Halos 50 beses nang nagkaharap ang dalawa sa court, lamang si Djokovic sa harapan nila ni Nadal, 26-24.

Ayon kay Djokovic, hamon sa kanya ang magiging laban nilang dalawa dahil alam niyang mahirap pataubin si Nadal sa clay court.

“Beating Rafa is a really difficult thing to do on this surface. But, I’ve done it before,” ani Djokovic.

Ito ang unang pagkakataon na nakatuntong sa semis ang dating world number one mula noong 2017 Wimbledon. “This is what I was looking forward to. This is what I was hoping to achieve,” dagdag pa niya.