Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nabuo ako sa pagmamahal ni Lola Flora – Coco

0 118

Napuno ng mga larawan ni Miss Susan Roces ang Instagram account ni Coco Martin. Nagdilim naman ang Instagram story ni Julia Montes, na may isang nakasinding kandila, tanda ng pagluluksa.

Si Susan ang kinikilalang Lola Flora ni Coco, at ng lahat ng mga tagasubaybay ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

“Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, paggabay at pag-aruga. Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habangbuhay. Mahal po kita!” mensahe ni Coco.

Samantala, heto naman ang statement ng ABS-CBN sa pagpanaw ni Tita Susan:

“The ABS-CBN family and the entire cast and crew of “FPJ’s Ang Probinsyano” led by Coco Martin deeply mourn the passing of legendary actress Ms. Susan Roces. We extend our deepest sympathies to Sen. Grace Poe and her family.

“For many years, she has instilled the values of love, faith, and hope with her loving portrayal of Lola Flora in “FPJ’s Ang Probinsyano.”

“Tita Susan was an exemplary icon, who was a source of inspiration and strength as she served the Filipino people.

“We will continue to honor her legacy as the Queen of Philippine Movies and as one of the beloved pillars of the entertainment industry.

“Hindi ka namin malilimutan, Tita Susan. Maraming salamat at paalam, aming mahal na Kapamilya.”

Ang aming taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Miss Susan Roce, ang reyna ng pelikulang Pilipino. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.