Una sa Balita

Nabundol sa loob ng subdibisyon; call center agent dedbol

0 502

IMBES na dadalaw sa kanyang kapatid, bangkay nang dadalawin ang isang 28-anyos na Call Center agent nang nabangga ang motorsiklong sinaksayan ng isang kotse sa isang intersection sa loob ng isang subdibisyon sa Imus City, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Our Lady of Pilar Hospital ang biktimang si Earl Loius Castillejo, may live-in partner, ng Narra Homes Subd., Carsadang Bago 2, Imus City Cavite. Hawak naman na ng pulisya ang driver ng isang orange na Ford Everest na si Beata Galvez, 54, may-asawa, isang accountant at taga-35 Flourine St., P3 Golden City Anabu 2-F Imus City, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Ryan Plaza, ng Imus City Police Station, minamanheo ng biktima ang kanyang motorsiklong Yamaha habang binabagtas ang kahabaan ng Hermosa Street dakong alas-9:26 Biyernes ng umaga pero pagdating sa panulukan ng Sta Monica St., sa loob ng PTC North Subdivision, Brgy Cargsadang Bago ng naturang Lungsod ay nabangga ito ng kotseng minamaneho ni Galvez na palabas din sa nasabing lugar.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at dahil sa wala umanong suot na helmet kaya tumama ang ulo nito sa semento.

Ayon kay Plaza, dadalaw sana ang biktima sa isang kapatid habang galing naman sa isang kaibigan na nakatira sa nasabing subdibisyon ang suspek nang naganap ang insidente.

Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit namatay din ito habang ginagamot. (Gene Adsuara)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More