Una sa Balita

Nabomba ng tear gas: OFW bagsak sa HK protest

0 332

ISANG manggagawang Pilipino na nakatambay kasama ang kanyang mga kaibigan sa Hong Kong ang nawalan ng malay matapos madamay nang gamitan ng tear gas upang mapalayas ang mga nagpoprotesta noong Lunes. Si Joy Palmera, 30, ay nahirapan sa paghinga matapos malanghap ang tear gas na inihagis sa isang playground sa distrito ng Wanchai, kung saan ang mga OFW ay katatapos lang maglaro ng basketball.

Hindi nagawang makapagtakip ng tuwalya sa bibig si Palmera kung kaya’t bumagsak ito bago isinakay sa isang ambulansya, sabi ng isa niyang kaibigan.

Si Palmera, na tubong Davao, ay nananatili pa rin umanong walang malay. Ngunit naabisuhan na umano ang kanyang amo.

Noong linggo ay muling nagkaroon ng demonstrasyon sa Hong Kong habang ang mga pulis ay nakipaglaban sa libo-libong mga nagpoprotesta na nagkalat sa mga lansangan upang tutulan ang pagbabawal ng face mask sa mga pampublikong pagtitipon.

Ang Hong Kong ay nabugbog ng 18 magkakasunod na linggong kaguluhan, dahil sa malawakang galit ng publiko sa panuntunan ng Tsino at tugon ng pulisya sa mga protesta. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy