Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nabiktima kami ni Cayetano – Pia Magalona

0 2,027

RP

Hindi nakalimutan ni Pia Magalona kung papaano sila kinaibigan ng ngayo’y House Speaker Alan Peter Cayetano para magamit ang kanta ni Francis M.

Sa tweet ni Pia, nilahad nito na nabiktima rin sila ni Cayetano noong 2007, kung saan tumakbo ang huli sa pagka-senador.

“Nabiktima rin kami nito. Pinagamit namin ang isang awit ni FrancisM nung 2007 dahil kinaibigan niya kami,” ayon sa biyuda ni Francis M.

Aniya pa, nagulat siya sa malaking pinagbago ng House Speaker, at sinabi pang masama ang loob niya sa politiko.

“Naniwala pa ako nung sinabi nyang hindi sya papayag na ma shutdown ang ABS-CBN,” saad pa ni Pia.

Matatandaan na si Cayetano ang nangako na mabigyan ng provisional franchise ang nasabing network para makapag-operate pa rin ito habang dinidinig ang kanilang aplikasyon, ngunit hindi ito nangyari nang maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network.

Matapos ibasura ng House committee on legislative franchises ang franchise renewal ng ABS-CBN sa botong 70-11, hinimok ni Cayetano ang publiko na basahin ang findings ng technical working group at intindihin kung bakit humantong ang Kongreso sa pagpapasara ng network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.