Una sa Balita

Nabalot ng kontrobersiya ang BOL

0 549

NAHALUAN ng kontrobersya ang nangya­ring plebisito para sa Bangsamoro Autonomous Region na ginanap nitong Enero 26 nang dahil lamang sa simpleng sablay sa addition. Human error, maling math o kahit ano pa ang itawag natin dito, iisa pa rin ang suma total, nahaluan ng duda ang resulta.

Nagdaos ng plebisito para alamin ang sentimiyento ng mga lugar na maapektuhan ng pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao. At para hindi mahirapan ang boboto, simpleng “Yes” or “No” lang ang kailangang isulat ng mga botante.

Panalo ang “Yes” na nakakuha ng 36,682 boto habang 24,994 ang bumoto ng “No”. Kitang-kita base sa mga nume­rong nabanggit na kung susumahin: 36,682 + 24,994 equals 61,676. Pero mukhang hilong-talilong kung sinuman ang nagsulat sa certificate of canvass (COC) dahil 39,027 boto lamang isinulat sa total votes.

Kaya naman nawala ang 22,649 boto! At bukod pa sa nagawang maling addition, hindi pa rin nailagay sa COC ang 131,751 total number of registered vo­ters sa lugar. Dalawa agad ang sablay sa iisang insidente.

Akalain ba naman natin na tatlong tauhan na nga ng Cotabato City Co­melec ang nagtulong-tulong para isumite ang resulta ng plebisito pero mukhang lahat sila ay gutom na nang gawin nila ang COC dahil wala man lang nakapansin sa pagsablay nila. Manual process o sulat-kamay kasi ang paraang ginamit.

Mabuti na lang at naispatan at naitama ng National Plebiscite Board of Canvas­sers na binubuo nina Comelec Chairman Sheriff Abbas at Commissioners Luie Guia at Rowena Guanzon ang naturang pagkakamali sa Cotabato.

Nasa 131,751 lamang ang botante sa ginanap na plebisito eh lalo na siguro kung milyon-mil­yong ang botante. Mahirap talaga kapag idinaan sa manual ang isang halalan, napa­kalaki ng porsyento na magkaroon ng iba’t ibang sablay—intensiyunal man o hindi intensyunal. Kaya dapat talagang hindi na tayo bumalik sa mano-manong sistema.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy