Una sa Balita

Nabagong petsa sa umbag ni Pacquiao

By
0 2,132

Mula sa Abril, naitak­da ang Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa bagong petsa ng pagbabalik sa ruwedang parisukat ni eight-division world professional boxing champion Emamnuel ‘Manny’ Pacquiao.

Sa panayam kahapon, sinabi ng 39-anyos na senador na pinagpipi­lian pa niya kung sina Lucas Matthysse o ­Danny Garcia ng kapwa Estados Unidos ang makakaumbagan niya.

“I consider Garcia but there’s a high possibility that it will be against Matthysse who is the WBA (World Boxing Association) champion,­” litanya ng Filipino ­boxing legend.

Huling lumaban ang tubong-Kibawe, Bukidnon at 39-anyos nang politiko-boksingero noong Hulyo sa Australi­a kung saan napahu­lagpos kay Jeff Horn ang World Boxing Orga­nization welterweight title sa kontrobersiyal na u­nanimous decision loss.

Unang niluluto ni Top Rank CEO Rober­t Arum ang Abril 24 na ring comeback ni Pacquiao sa Mandalay Events Center sa Las Vegas bilang undercard fight WBO championship fight nina Australian Horn at American Terrence Crawford pero paniwala ni Pacquiao, insulto na ilagay siya sa undercard lalo’t ‘di naman daw siya laos.

Hindi rin tiyak si Pacquiao kung ang longtime American trainer niyang si Frederick Steven Roach ang makakasama niya sa ensayo dahil wala pa umano silang napag-uusapan.