Una sa Balita

NAASCU: Pare, Saint Clare namuro sa 4th straight title

0 271

Mga laro ngayon: (JCSGO Seed Dome, Cubao)

10:00am — Our Lady of Fatima vs. Enderun (W)

11:30 — Saint Clare vs. Arandia (Jrs.)

1:00 — Saint Clare vs. Enderun (Srs.)

IBINUHOS ng defending champion Saint Clare College of Caloocan ang huling 17 puntos ng laban upang pabagsakin ang naghahamon na Enderun Colleges, 83-71, sa pagsimula ng best-of-three finals sa seniors basketball ng 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa Caloocan Sports Complex nitong Miyerkoles.

Maaring wakasan ng Saints ang serye ngayong araw sa Jesus Christ Saves Global Outreach sa Cubao at maiuwi ang ikaapat na sunod na kampeonato simula 1:00 ng hapon.

Maganda sana ang takbo ng laro para sa Titans, ang pumangalawa sa Saints noong nakaraang taon, at lamang sila ng lima papasok sa huling 3:30, 71-66.

Nanguna para sa Saints si Mohamed Pare na may 19 puntos, 16 rebounds at tatlong tapal.

Sa a Juniors Division, ginulat muli ng Arandia College ang defending champion Junior Saints, 83-65, upang patunayin na hindi tsamba ang tagumpay nilang 81-75 sa overtime noong elimination round.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy