Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naaksidenteng kelot binalot na parang mummy

0 74

GINAWANG tila mummy ng isang ospital sa Nueva Vizcaya ang isang yumaong lalaki, na negatibo naman sa COVID-19, dahil binalot nila ito ng packing tape mula ulo hanggang paa.

Kinilala ang lalaki na si Merwin Fabrigas, na dinala sa Region II Trauma and Medical Center matapos maaksidente sa kalsada ng Bayombong noong Abril 30. Pumanaw siya kinabukasan.

Kinukuwestiyon ng nanay na si Mitchilou ang pagdala ng ospital sa anak niya sa COVID-19 ward at ang aniya’y pag-alis ng life support sa lalaki kahit buhay pa ito.

“Naghahagulgol na lang ako ng iyak doon. Ayaw ko sanang mangyari, nagawa n’yong manok ang anak ko pero wala si- lang pakialam.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Depensa naman ng ospital, “The patient was declared dead doon na tinanggal ang life support para yung machine magamit ng ibang pasyente. So hindi namin tinanggal noong buhay siya.”

Kung bakit naman binalot sa tape, tugon ni medical director Dr. Napoleon Obaña: “May upsurge ng cases in Quirino, so we want to safeguard also ang mga taga- Vizcaya. We have to treat it as parang COVID na rin dahil baka mag-infect eh.”

Parte aniya ng ‘protocol’ ng pagamutan ang ginawang pagbabalot ng tape sa sus­ pected COVID death. Samantala, lumabas ang test result ni Merwin noong Mayo 2 kung saan nakalagay na negatibo siya sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.