Una sa Balita

Na-scam na R&L brokerage tinakeover ng PSE

0 402

INATASAN ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Philippine Stock Exchange (PSE) na i-takeover ang broke­rage firm na R&L Investment matapos mabunyag ang stock scam na kagagawan ng isa nitong tauhan na si Marlon Moron.

Sa pahayag ng SEC en banc sa pamumuno ni OIC Kelvin Lester K. Lee, inatasan nito ang PSE na i-takeover sa pamamagitan ng police arm na Capital Markets and Integrity Corp. (CMIC) ang operasyon ng R&L Investments matapos mabatid na bumagsak ang kalagayang pinansiyal nito at hindi na matugunan ang pagdeliber ng securities and/or payments of sales proceeds sa kanilang mga kliyente.

Inatasan din ang PSE-CMIC na suspen­dihin ang R&L Investments, ilipat ang mga account nito sa ibang stock brokerage firm, at i-liquidate ang mga asset ng kompanya para mabayaran ang mga pagkakautang nito.

Hiniling din sa mga biktima ng stock scam na humingi ng kabayaran mula sa PSE Trust Fund.

Ang CMIC ay isang independent audit, surveillance and compliance unit ng PSE na siyang nagpapatupad ng mga panuntunan para sa mga self-regulatory organization (SRO) alinsunod sa securities laws.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy