Una sa Balita

Na-miss ang sabunutan kay Bianca

0 97
 
 
abante-paistaran-dondon-serminoDumaan din sa mara­ming pagsubok ang pagkakaibigan nina Kyline at Bianca Umali. Pero, natuldukan nga ang intriga sa kanila nu’ng bigla silang pinagsama sa Daig Kayo Ng Lola ko sa GMA 7 siyempre.
 
“Akala ko nga matatagalan kami bago magtrabaho ulit. Tinanggap ko po agad, kasi si Bianca nga po ang kasama ko. At sobrang kumportable po ako na kasama siya.
 
“At nu’ng nagti-taping kami ng Daig Kayo ng Lola ko, nagri-reminisce po kami ng mga nangyari sa amin sa Kambal Kari­bal. May scene kasi sa Daig… na nagsasa­bunutan kami.
 
“So parang na-miss din namin ang magsabunutan. Sabi ko nga, dati hinahayaan lang namin na magsabunutan kami. Ngayon kasi, hindi kami kumpor­table na sabunutan ng iba. Mas gusto ko talaga si Bianca ang sumabunot, manampal sa akin.
 
“Sa ngayon mas naging strong ang friendship naming dalawa. Even though ang daming pumapasok na intriga, nag-usap kami na basta magkaibigan kami,” sabi na lang ni Kyline.
 
 
Aminado si Kyline na kahit ganito ang sitwasyon niya, marami pa ring bagay na nagpapalungkot sa kanya.
“Nagpapalungkot sa akin ang mga bashers ko, at nagpapa-happy sa akin ay ang work ko, fans, Sunflowers, at family siyempre.”
May mga nagagalit din daw sa kanya, na hindi niya maintindihan kung bakit. Pero, ang Sunflowers niya ang nagpaparamdam sa kanya na okey lang ang lahat.