Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Na-kidnap ng blue van

0 116

Ano pong ibig sabihin ng panaginip kung saan na-kidnap daw ako? Ang naalala ko is may nakita raw ako na lalaking naka-wheelchair. Kalbo siya tapos may cast yung paa so tinulungan ko raw siya na makahanap ng masasakyan.

Tapos may nagpasakay sa kanya na blue van na medyo malaki at parang ‘yung ginagamit sa mga ambulansya. Hindi ko alam kung bakit pero sumakay din daw ako. Noong nasa loob na tinutukat na niya ako ng baril tapos sabi niya maghanap daw ako sa map ng malayong lugar, sinabihan niya rin ‘yung driver na sumunod sa kanya, pero nanlaban ‘yung driver. Inagaw niya ‘yung baril ng kalbo tapos napilitan lumabas ng van ‘yung kidnapper at tumakbo palayo, ako naman daw sumisigaw ng ‘sige takbo!’ ulit-ulit ‘yun hanggang sa magising ako narinig ko ‘yung sarili ko na sumisigaw nun,

– Audy

Ang mga panaginip na tungkol sa pagdukot o kidnapping ay inidkasyon na mayroong nagmamanipula sa iyong waking life.

Bukod dito, pwede rin naman itong mangahulugan na nawalan ka ng kontrol sa ilang aspekto ng iyong future. Maaaring ibang tao ang pumili ng magiging career mo, kulay ng kotse, lugar ng tahanan o iba pang bagay na tiyak na makakaapekto sa iyong hinaharap.

Kailangan mo ring tingnan kung paano ka na-kidnap sa iyong panaginip. Kadalasan, para mag-survive ang mga nadudukot, kinakailangang magpalipas ng oras at hindi agad maging agresibo ang aksyon. Sa spiritual term, nangangahulugan ito na kailangan mong mag-reflect kung sino o ano ang komokontrol sa buhay mo at paano ka gagawa ng paraan para matakasan ito.

Kung hindi ka nanlaban sa dumukot sa iyo sa panaginip, tulad ng ginawa ng driver, ibig sabihin nito ay ayaw mong lumabas sa comfort zone at nananatili ka lamang sa kung ano ang iyong pinaniniwalaan.

Kapag naman nakipag-close ka sa taong dumukot sa iyo, indikasyon ito na kahit kinokontrol ka ay hindi naman nito direktang naaapektuhan ang buhay mo. Ang paglaban sa kidnapper ay sumisimbolo naman na handa ka nang ipaglaban kung ano ang tingin mo ay tama.

Sa kabilang banda, tungkol din ito sa mga challenge na dumarating sa iyo. Kung dumadaan ka ngayon sa pagsubok, ang panaginip na ito ay nagsasabi na nakakaramdam ka ng pagkakulong o hindi ka malayang nakakagalaw o nakapagsasabi ng anumang naisin mo.

Ang blue van sa panaginip mo ay ebidensya naman ng energy at spirituality. Kailangan mong kilalanin na may potensyal ka at ilabas mo ito. Sa ngayon, maaaring hinahayaan mo ang iyong emosyon na malimitahan ang sarili mo at makaabante patungo sa tagumpay.

Isa rin itong clue para sa paghahanap mo ng kaalaman at pag-unawa. Mayroon kang bagay na gustong pasukin sa buhay mo na nangangailangan ng precision at accuracy. Lahat ng tenga ay nakikinig sa iyo.

Sign ang panaginip mo ng kalakasan. Minsan kailangan mong humingi ng tulong sa iba para makamit ninyo ang common goal.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.