Una sa Balita

Na-inlove sa bagets

0 387

MUSTA po at sa mga reader ninyo? I’m ­Jessa of Baguio City. Totoo nga po yata ang kasabihang “ang pag-ibig nga naman, kapag ­tumama sa puso ninuman, ­hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Pano nga po ba naman na hindi hahamakin ang lahat eh itong kapitbahay ko po na 40+ na eh ­nakuha pang makabingwit ng bagets na lalaki. Opo, 18-anyos lang po ‘yung guy. Parehong kapitbahay ko lang po ang mga ‘yun kaya alam na alam ko ang istorya.

Putok na putok nga po rito samin ‘yung nangyaring love ­affair ng dalawa.

‘Yung si Girlie ay nag-aalok ng mga cosmetic ang trabaho. Balo na po ‘yun, may isang anak. ‘Yun namang si Benjo ay tricycle driver. Iniwan na ng ama maliliit pa lang silang apat na magkakapatid. ‘Yung nanay naman niyang si Aling Elvie ay nagdidigaton, nagtitinda po ng isda.

Ang sabi ng mga tsismosa kong kapitbahay, baka raw po masyadong nasabik sa asikaso ng ina itong si Benjo, kasi nga laging wala sa bahay ang nanay nila para kumita ng pera. Hanggang sa iyon na nga po, nagka-debelopan ang dalawa.

Madalas kasing maisakay sa tricycle si Manang, ­nagmurang kamyas at umibig sa bagets na Benjo, si Girlie.

May itsura ­naman si Benjo at may ­dating ang katawan, kaso ­elementary lang ang natapos. Engot nga eh, crush ko pa naman siya, pero wala naman akong balak magpakita ng motibo. Pag-aari na siya ni Aling Girlie, bahala sila sa buhay nila. Magpakasarap sila hangga’t gusto nila. Wala akong pakialam!

Hindi ko alam kung hanggang kailan at saan pupunta ang relasyon nila. Wala na rin namang magawa si Aling Elvie dahil iyon ang pinagmamatigasan ng anak niya.

‘Yun namang mga magulang ni Aling Girlie, helpless din ­dahil nagrerebelde ‘yung anak nila kapag ­nasisita. Sige po, ­salamat sa ­pagbibigay-daan sa email ko.
Jessa ng Baguio City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy