Na-depress, nagbigti

By

Dahil sa dinaranas na matinding kalungkutan matapos mamroblema sa pag-ibig, winakasan ng 29-anyos na binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng tanghali sa Purok 3, Barangay Old Cabalan, Olongapo City.

May ilang oras na umano ang nakakalipas bago natuklasan ang katawan ng biktimang si Roberto Singh, residente ng Quezon City na sinubukan pang isugod sa James L. Gordon Memorial Hospital subalit binawian na ng buhay.

Napag-alaman ng Abante, mula umano sa Quezon City ay duma­ting ang biktima sa bahay ng kanyang tiyuhin sa Olongapo City na noon ay nakakaranas na pala ng depresyon kaugnay sa nobyang naki­paghiwalay.

Gamit ang dala­wang nylon cord ay itinali ng biktima sa nakausling kahoy ang dulo nito sa mismong harapan ng bahay ng tiyuhin saka binigti ang sarili sa ikala­wang pagkakataon. 

SHARE