Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Na-bully sa bagong negosyo

0 9

Napanaginipan ko na natupad ang pangarap kong negosyo na magkaroon ng puwesto sa palengke, natuwa na sana ako pero may nangyari na kinainis ko talaga. Nag-aayos daw ako ng paninda na pang-grocery item tapos may lalaki na biglang lumapit lang sa akin at binash ang tinda ko, inaway ako bigla at tinawag ako na baguhan at wala namang alam. Siyempre nasaktan ako sa pambu-bully sa akin, kahit na paggising ko ay ramdam kong hindi maganda ang emosyon na dulot ng panaginip kong ito kaya gusto ko sanang malaman ano ba ang gustong sabihin nito? Magkakatoto na kaya ang pangarap kong negosyo o hanggang panaginip na lang muna ito sa ngayon? Salamat sa sagot niyo.

Lorna

Kapag nakakapanaginip tayo ng pagkakaroon ng sarili nating negosyo, hindi laging senyales ito na mangyayari din ito sa totoong buhay.

Pwedeng sa ngayon ay indikasyon ito na nagaalala kang makaranas ng problema sa pera. Ayaw na ayaw mong mahirapan sa paghagilap ng pantustos sa iyong mga pangangailangan kaya naman gagawin mo ang lahat para matupad ang mga goal mo at kabilang siyempre ang pangarap mong negosyo.

Pero kailangan mong maging maingat dahil sa kabila ng iyong pagsisikap, kapag labis mong pinagod ang katawan ay baka mawala ka sa pokus at mangyari ang pinakaayaw mo. At sa sobrang pag-iisip, posible rin na lapitan ka ng mga taong maaaring magsamantala sa iyo. Hangga’t maaari ay huwag magdesisyon tungkol sa pera kapag distracted ka o may nanggugulo sa iyo dahil maaaring mapasubo ka at maggastos ang pinaghirapan mong ipon.

Maaaring babala ang panaginip mo na huwag kang mangungutang para walang mangambala sa katahimikan mo at hindi ka rin ma-stress. Mas maigi kung magdadahan-dahan hanggang sa maabot mo ang tagumpay na iyong hinahanap.

Ang bully naman sa iyong panaginip ay simbolo ng mga takot na iyong kinikimkim. Maaaring sa panlabas mong ayo ay may maskara kang pinapakita sa iba para hindi nila makita o maramdam na may insecurity ka sa iyong sarili at ayaw mong malaman ng iba kung sino ka talaga.

Senyales din ito na maaaring sa ngayon ay nago-overthink ka o may pinaghihinalaan ka talaga na nainira sa iyo. Kailangan mong alisin ang mga ‘bully’ sa iyong buhay, na maaaring ibang tao o sariling negative thinking.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.