Una sa Balita

Mystica mayabang, walang utang na loob kay Coco

By
0 6,512

Nakatikim ng matinding bashing sa social media ang singer-actress na si Mystica dahil sa mga sinabi nito sa ginawa niyang Facebook Live.

Ayon kay Mystica, na-disappoint daw siya sa binigay na role bilang si Rosa sa teleserye ng ABS-CBN 2 na FPJ’s Ang Probinsyano. Pinatay daw kasi agad ang character niya.

Kung matatandaan ay nakiusap si Mystica noon kay Coco Martin na tulungan siyang makaahon sa buhay niya ngayon.

Tinupad naman ni Coco ang wish ni Mystica pero wala na sa kamay ng aktor kung tatagal o tatapusin na ang character nito sa teleserye.

Ngayon ay humihingi naman ng tulong si Mystica sa komedyanteng si Michael V. Sana raw ay bigyan siya ng pagkakataong maging regular sa Bubble Gang.

Tinawag siyang “bastos”, “mayabang”, “reklamador”, “primadonna” at “walang utang na loob” ng maraming netizens.
Heto ang ilang comments:

“Pasalamat ka pa din dapat Mystica na at least nabigyan ka ng trabaho. Wag puro reklamo.”

“Walang utang na loob tinulungan na nga nag rereklamo pa…..Hiya hiya din uy!!!!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy