Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Myrtle nahubaran sa concert

0 990

Naku, Dondon (my dear editor), mabuti na lang pala ay taped na ang “Myrtle: Stay In Love” virtual concert ni Myrtle Sarrosa na mapapanood sa Saturday, 8:00PM sa ticket2me.net, huh!

‘Kaloka kasi noong taping nila dahil nagkaroon ng wardrobe malfunctions ang kilalang cosplay player. Yes, malfunctions dahil twice nangyari ‘yon.

Kuwento ng producer niyang si Atty. Ferdinand Topacio, “Hahaha. Tinawanan na nga lang namin ‘yung wardrobe malfunctions. Una,’yung sa duet nila ni Gerald Santos (special guest sa virtual concert).

“’Yung damit kasi ni Myrtle, may slit. Habang kumakanta sila, humaba ‘yung slit ng damit. Napunit bale ‘yung slit.

“Then sa TikTok mash-up number niya, naka-Sabrina-style na damit siya. Habang ginagawa niya ‘yung number na ‘yon, ‘yung top niya, bumabagsak,” kuwento ni Atty. Topacio.

Eh, kung live ang virtual concert at nangyari ang wardrobe malfunction sa TikTok mash-up number, aba, puwedeng nahubaran na si Myrtle at nag-appear ang kanyang “bumpers”, ‘noh?!

Anyway, bukod naman sa wardrobe malfunctions na nabanggit, wala naman daw naging hassle sa taping ng “Myrtle: Stay In Love” virtual concert. Kahit mismong si Myrtle naman daw ay natawa na lang sa pangyayaring ‘yon.

Sabi nga pala ni Atty. Topacio, “It was a great concert. Ginastusan ko talaga. Production cost was more than a million dahil ang dami ring costumes, saka lights and effects na lang, sobra rin!

SM food to go Banner Ad

“Parang ‘yung mga concert din na napapanood sa big venues ang mapapanood nila on Saturday!”

Available pa rin ang virtual tickets para doon just log-in sa ticket2me.net.

Elijah, Kokoy suwerte sa pandemya

Suwerte rin ng “Gameboys” “love team” na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. Kahit nga panahon ng pandemic, sumikat silang dalawa.

After nga ng BL (boys’ love series) nila, ratsada sila sa magkaibang projects.

Si Kokoy, may “Oh Mando” sa iWantTFC app at mamayang gabi ang simula ng kanyang “Stay-In Love” romantic-comedy series kung saan ay ka-partner naman niya si Maris Racal.

Si Elijah naman, naka-dalawang best actor awards for “Kalel, 15” at may “Paano Ang Pasko?” Christmas-serye.

Kapag tinatanong sina Kokoy at Elijah, pareho nilang sinasabi na sobrang thankful sila sa “Gameboys.”

Actually, up to now, binabalik-balikan pa rin ng EliKoy fans ang panonood ng BL series na ‘yon, huh! Ang bongga!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.