Una sa Balita

Mylene walang planong pakasal kay Jason Webb

By
0 870

May nakitang koneksiyon si Mylene Dizon kung bakit kahit siya ay nakikita niya na bagay silang mag-ina ni Bianca Umali.

Kung si Jasmine Curtis-Smith ang young Mani­san, si Mylene naman ang gumaganap na pre-sent Manisan at ina ni Sahaya which is played by Bianca nga.

Trailer pa lang talaga, nakita na ng karamihan ang dynamic nila bilang mag-nanay. At nang makausap nga namin si Mylene, nabanggit nito na si Bianca raw ay kamukhang-kamukha ng tita niya.

“Pwede ‘no?! Napansin ko nga rin. Kamukha siya ng tita ko, hinahanap ko nga ang picture ng tita ko, ipapakita ko sa kanya. Puwede kaming magkamag-anak.”

After four years ay balik-Kapuso nga si Mylene. Ang huling serye pa raw niya ay “The Good Son” ng ABS-CBN which is may 11 months ago na rin.

“Ang suwerte ko nga kasi sila ang kasama ko, ang BiGuel kasi siyempre, 11 months din ‘yung last soap ko, so feeling ko, na­ngalay rin naman ako.

“So ang hirap din na na­ngangapa ka na nga sa trabaho, nangangapa ka pa sa kasama mo. Eh with them, it was easy.”
Four years na rin ang relationship ni Mylene kay Jason Webb at sey nga niya, the longest she had. Okay rin daw ang pareho nilang mga anak.

Pero sabi nga niya, “Well, yes, they’re okay with him but of course, they have their father talaga.”
Kahit all’s well with them, hindi nagbabago at consistent si Mylene na wala sa bokabularyo niya ang kasal.
“Okay naman kami na ganito, ‘di ba? So okay na yun!,” natatawang sabi na lang niya.

Ang “Sahaya” ay magpa-pilot na ngayong Lunes, pagkatapos ng “Kara Mia” sa GMA Telebabad.

Ogie daan sa pag-aayos nina Gelli, Regine

Natatawa na lang si Gelli de Belen dahil until now, parang interesado pa rin ang press sa dalawang dekada na nakaraan na love triangle nila noon ng mister na si Ariel Rivera at Regine Velasquez.

Nanumbalik kasing muli dahil sa pagsasama nina Ariel at Regine sa “ASAP” kunsaan, may mga kinilig sa dalawa.
Pilit na hinihingan ng reaction si Gelli kung ano raw ang naramdaman nito at that time.
“Dyusko po, ano ba kayo? Ha ha ha! Ang tagal na! Hindi pa ba kayo move-on? Ha ha ha!

“Wala, kasi nakagawa na nga sila ng soap opera dati, kasama si Richard Gutierrez. Matagal na and we’re all okay.”
Hindi rin naman daw naging madali noong umpisa, matagal din daw especially sa part niya, pero nagkausap sila nang mag-guest din si Regine sa dati niyang mor­ning show na “SIS.”

Sabi pa ni Gelli, “Ac-
tually, it was Ogie (Alcasid) who paved the way para maging okay.

“Ogie kasi, siguro kung sa mga guys, siya ‘yung bff ko talaga. So ‘yun pa, sila pa ni Ogie ang mag-asawa, ‘di ba?”
Nang magkaroon ng special screening ang bagong pelikula ni Gelli with Ba­yani Agba-yani na “Pansamantagal,” sina Ogie at Regine ang isa sa mga imbitado ni Gelli na nanood talaga.

Masaya si Gelli sa bago niyang mo-vie na naging pagbabalik niya rin after 19 years. Ang dami nga raw niyang ginawa rito na hindi niya talaga ginagawa either in TV or movie. Ngayong March 20 na ito mapapanood sa mga sinehan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy